Postingan

Menampilkan postingan dari Mei, 2018

Malacañan naghihintay na isauli ng Tulfo brothers ang P60M sa DOT

Umaasa ang Palasyo ng Malacañan na panininidigan ng Tulfo brothers ang pangako na isasauli sa Department of Tourism (DOT) ang P60 milyong kontrata na nakuha para sa kanilang tv show na Kilos Pronto sa PTV4. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang magkapatid na Ben at Erwin Tulfo ang nangako na isasauli nila ang pera. “It’s up to the Tulfos now since they are the ones who voluntarily said that they would return it, so we’re counting on their word of honor that if they will return it, and they said that they will really return it,” ayon kay Roque. Sinabi pa ni Roque na bahala na ang Office of the Ombudsman at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing kontrata. Una rito, inamin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hanggang ngayon ay hindi pa isinasauli ng Tulfo brothers ang P60 milyon. Source link The post Malacañan naghihintay na isauli ng Tulfo brothers ang P60M sa DOT appeared first on - News Portal Ph...

Imbestigasyon ng BIR sa tax filing ni Sereno hindi bahagi ng persecution ng Duterte admin

Pumalag ang Palasyo ng Malacañan sa alegasyon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na bahagi lamang ng harassment ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa kanyang tax filing. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa halip na magtuturo si Sereno ay mas makabubuting pagtuunan na lamang ng pansin kung pagtitibayin ng kanyang mga kasamahang mahistrado ang naunang desisyon na nagpapatalsik sa kanya sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition dahil sa hindi tamang pagdedeklara ng statement of assets liabilities and networth (SALN). Sinabi pa ni Roque na hindi bahagi ng persecution ng Duterte administration ang ginagawang imbestigasyon ng BIR laban kay Sereno. May proseso aniya sa Pilipinas kung kaya mas makabubuting tumalima na lamang si Sereno. Pahayag pa ng Palasyo kay Sereno, ‘We wish her the best.’ “For now, I think she should worry whether her own colleagues will uphold their ruling against her. We have a process and we sh...

PhilHealth President Dela Cerna pinasisibak ng isang mambabatas

Hinamon ni Negros Oriental Representative Arnie Teves si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si PhilHealth President Celestina Ma. Jude Dela Serna dahil sa paggamit ng pera ng PhilHealth. Ayon kay Teves, sa halip na umayos ang pamamahala sa PhilHealth ay lalo pa itong napasukan ng anomalya at sumama ang serbisyo sa pamumuno ni Dela Cerna. Sinabi ni Teves na ikinagulat niya nang makaharap nila ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Dela Cerna sa isang pulong sa Kamara kung saan inamin nito na isang taon siyang tumira sa hotel. Sinabi aniya sa kanila ni dela Cerna na wala namang mali sa kanyang ginawang pagtira sa hotel gamit ang pera ng ahensya. Base sa nakitang resibo ni Teves, tumira ang PhilHealth president sa Legend Villas kung saan P3,800 ang bayad bawat araw. Dahil dito, naghain ng resolusyon ang mambabatas na maimbestigahan ng Kamara ang mga anomalyang kinakasangkutan ng PhilHealth. Nauna nang sinita ng Commission on Audit (COA) si Dela Serna dahil sa mahigit ...

Kalinisan ng Estero De Binondo ibinida ng PRRC

Ipinagmalaki ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang panunumbalik ng kalinisan sa Estero de Binondo sa Maynila. Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, dahil sa patuloy na paglilinis ng River Warriors ng ahensiya ay nanumbalik ang kalinisan ng estero. “Estero de Binondo is almost spotless from wastes-both on its waterway and the street alongside it,” ayon kay Goitia. Kasabay nito, pinasalamatan ni Goitia ang mga River Warrior na walang sawang naglilinis ng mga estero at ilog sa Kalakhang Maynila. “I salute our hard working River Warriors who go beyond their service just to maintain the cleanliness of the estero,” ayon pa kay Goitia. Umapela rin si Goitia sa publiko na tumulong sa pagpapanatiling malinis ng mga estero at ilog sa Metro Manila. Nagbabala rin si Goitia sa mga magtatapon ng basura sa estero na kanilang sasampahan ang mga ito. Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal ng barangay na pangalagaan ang mga estero at ilog sa Metro Manila. Source...

Senate probe kay Calida: Go ahead ayon sa Malacañang

Welcome sa Malacañang ang ikinakasang imbestigasyon ng Senado at Department of Justice laban kay Solicitor General Jose Calida dahil sa pagkakakuha ng kanyang security agency na Vigilant Investigative and Security Agency sa mga kontrata sa gobyerno. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ganitong paraan ay magkakaalaman kung mayroong conflict of interest. “I can’t tell the Senate what they want to do, they can do so if they wish, the President has said he will not fire Sec. Calida because of this controversy which sustains my earlier legal view that Sol. Gen. Calida is not guilty of conflict of interest, but i understand that the secretary of justice has relented and agreed to open formal investigations”, ayon kay Roque. Kahapon lamang ay naghain ng resolusyon ang mga minority senators para paimbestigahan si Calida. Sa panig ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sinabi nito na iimbestigahan na rin ng kanilang hanay ang nakuhang kontrata ng security agency ni Calida sa DOJ. Na...

Plunder case laban kay dating B.I Deputy Comm. Argosino tuloy

Hindi pinagbigyan ng 6th Division ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino na ibasura ang kanyang kasong plunder may kaugnayan sa pagtanggap ng P50 Million suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam. Base sa 13-pahinang resolusyon na inilabas ng mga mahistrado ng 6th Division ng Anti Graft Court, malinaw sa information na isinampa ng Ombudsman na marapat lamang na litisin sa kasong plunder si Argosino. Sinabi ng korte na malinaw din ang alegasyon kay Argosino na tumanggap ng paunang P20 Million at isa pang P30 Million mula kay Wally Sombero. Si Argosino at ang kanyang kapwa akusado na si dating Immigation Deputy Commissioner Michael Robles. Sa naging argumento ni Argosino isang criminal act lamang ang naganap at hindi rin aabot sa P50 Million ang kanilang tinanggap kaya hindi ito pasok sa kasong plunder. Si Argosino at Robles ay kapwa nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Source link The post Plunder case laban kay dating B.I ...

P1 Million halaga ng shabu nakumpiska sa drug den sa Bataan

Nakumpiska ang halos P1 Million halaga ng shabu sa Dinakupihan, Bataan. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa Barangay Rizal. Ayon kay PDEA Regional Director Gil Pabilona, nasabat ng mga otoridad ang P800,000 halaga ng 28 sachet ng hinihinalang shabu at 15 gramo ng marijuana. Nakilala ang lider ng grupo na si Ferdinand Mallari. Kasama sa mga inaresto sina Audie-Mar Simsuangco, Eduardo Pecson, Elmer Angeles at Kristine Mallari. Nag-ooperate umano ng drug den ang mga suspek at matagal na silang tinutugaygayan ng mga otoridad. Nakadetine ngayon ang mga suspek sa pasilidad ng PDEA sa San Fernando City, Pampanga. Source link The post P1 Million halaga ng shabu nakumpiska sa drug den sa Bataan appeared first on - News Portal Philippines .

Pilipinas naghain na ng diplomatic protest sa militarisasyon ng China sa WPS

Naghain na ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas kaugnay sa pagpapalakas ng pwersa ng militar ng China sa West Philippine Sea. Ito ang kinumpirma ngayong hapon sa Malacañang ni Presidential Spokesman Harry Roque. Laman ng reklamo na inihain ng Department of Foreign Affairs ang pagpalag ng bansa sa missiles installation ng China sa Spratly. Kasama rin dito ang ginawang pagpapalipad ng China ng kanilang bomber sa ibabaw ng mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea. Idinagdag pa ni Roque na inireklamo rin ng bansa ang ginawang harassment ng Chinese forces sa mga sundalong Pinoy malapit sa Ayungin Shoal noong May 11. Sa kanyang talumpati kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagaman kaibigan ng bansa ang China ay hindi niya papayagan na ipagpatuloy ng mga ito ang ilang military actions malapit sa mga pinag-aagawang isla. / Den Source link The post Pilipinas naghain na ng diplomatic protest sa militarisasyon ng China sa WPS appeared first on - News Portal P...

Ceasefire at formal peace talks sa gov’t, asahan na sa Hunyo – Joma

CAUAYAN CITY – Inaasahang magaganap na sa pagpasok ng Hunyo ang pagkakaroon ceasefire agreement para sa formal peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP). Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni CPP founder Jose Maria Sison na inaasahang mag-uumpisa ang pormal na usapang pangkapayapaan sa June 28, 2018. Sa ngayon ay mayroon nang magandang pag-uusap o back channeling sa pagitan ng mga pinuno ng peace panel ng pamahalaan at NDFP. Pinaplantsa na nila ang mga kailangan para sa bubuuing tatlong interim peace agreement. Kabilang dito ang ceasefire agreement, pagpapalabas ng proklamasyon na magpapalaya sa mga political prisoners, at pagpirma sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms. Sinabi ni Sison na magiging kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea sa formal peace talks. Bago ito, isasagawa sa...

Aktres na si Krista Miller laya na makaraang makulong dahil sa droga

Laya na ang aktres na si Krista Miller o Krystalyn Engle sa totoong buhay matapos mapawalang-sala sa kaso ng iligal na droga. Nakalabas ng Valenzuela City Jail si Miller noong May 25 alinsunod sa kauutusan ni Judge Snooky Maria Ana Bareno-Sagay ng Valenzuela Regional Trail Court Branch 283. Kinatigan ng korte ang apela ng aktres na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya ng prosekusyon. Si Miller ay nakulong simula pa noong October 14, 2016 matapos siyang arestuhin kasama si Aaron Medina sa isang buy-bust operation sa lungsod. Sa kanyang Facebook account ay pinasalamatan ni Miller ang mga taong tumulong sa kanya sabay ang pahayag na magbabalik siya sa showbiz. Source link The post Aktres na si Krista Miller laya na makaraang makulong dahil sa droga appeared first on - News Portal Philippines .

‘Hindi isasantabi ang inputs ng Bangsamoro stakeholders sa final BBL’

Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi ganap na ibabasura ang original version ng expanded Bangsamoro Transition Commission (BTC) para isinasapinal na Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Zubiri sa panayam ng Bombo Radyo, naging mabusisi ang mataas na kapulungan ng Kongreso ngunit sinikap nilang hindi mabalewala ang inputs ng BTC at iba pang stakeholders. Magugunitang inabot ng ala-1:00 ng madaling araw ang paghimay ng Senado sa mahigit 100 pahina ng panukalang batas. Sa naging proseso, maging ang proper tenses ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga senador. Sa ngayon, bahala na umano ang Senate contingent sa bicameral conference committee na kinabibilangan nina dating Senate President Koko Pimentel, Sens. Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Minority Leader Franklin Drilon at Zubiri, na siyang majority leader. Habang sa Kamara ay may 18 kinatawan na itinalaga upang maging p...

Hontiveros tinawag na fake news ang nawawalang pondo ng Philhealth

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa mga government health officials na linawin ang isyu sa pagkakalipat ng P10.6 Billion Philhealth fund sa Department of Health. Ito ay matapos mag-usbungan ang mga fake news aniya na nagsasangkot sa kanya sa kontrobersiya. Giit ni Hontiveros hindi sa termino niya bilang director ng Philhealth nangyari ang sinasabing paglipat ng pondo. Dagdag pa ng senadora na umaasa din siya sa joint congressional committee na pinamumunuan ni Sen. JV Ejercito na patunayan na peke ang mga balitang nag- uugnay sa kanya sa isyu. Pinansin din ni Hontiveros na nagsimulang kumalat ang fake news nang hamunin niya si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida dahil sa pagnenegosyo sa gobyerno. Source link The post Hontiveros tinawag na fake news ang nawawalang pondo ng Philhealth appeared first on - News Portal Philippines .

BBL, lalagdaan ni Duterte sa kanyang SONA – Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagkakapasa sa Kamara at Senado ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal nitong bersyon sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo. Kung maaalala, matapos sertipikhang urgent ni Pangulong Duterte, naipasa na ng Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng BBL. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, paplantsahin na lamang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagkakaiba ng kanilang bersyon sa gagawing bicameral conference committee. Ayon kay Sec. Roque, mahalagang mapagkasundo ng Kamara at Senado ang kanilang mga bersyon at matugunan ang mga kwestiyon sa ligalidad o constitutionality ng panukalang batas bago lagdaan ni Pangulong Duterte. Ayaw aniya ng administrasyon na matulad lamang ang BBL sa naging kapalaran noon ng Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain na ibinasura ng Korte Suprema. Inihayag ni Sec. Roque na mahalaga ang BBL para makamit ang kapayapaan sa Mindanao at maiwasa...

Kampo ni Sereno nanindigan na walang bigat ang SALN issue sa quo warranto case

Iginiit ng kampo ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ba hindi basehan ang kabiguang maghain ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para mapaalis siya sa posisyon. Ayon kay Atty. Carlos Cruz, inilagay nila sa apela ni Sereno ang mga kaso ng mga bigong magpasa ng SALN. Aniya, batay sa mga naging desisyon ng Korte Suprema ay walang sinibak sa pwesto dahil sa hindi paghahain ng SALN at sa halip ay pinagmulta lamang o pinatawan ng parusa. Dagdag ni Cruz, iginiit ni Sereno na inihain niya ang 12 sa 16 SALN na kinailangan niyang ipasa bilang professor sa University of the Philippines. Umaasa naman ang kampo ng dating punong mahistrado na mabibigyan ng kanilang inihaing mosyon ang ilang mga tanong sa isipan ng mga mahistradong bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Sereno. Source link The post Kampo ni Sereno nanindigan na walang bigat ang SALN issue sa quo warranto case appeared first on - News Portal Philippines .

Panukalang BBL lusot na sa Senado

Madaling araw ng Huwebes nang aprubahan ng Senado ang kanilang bersyon para sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1717 o “An Act Providing for the Basic Law for the Bangsamoro and Abolishing the Autonomous Region in Muslim Mindanao” sa botong 21-yes, 0-no, at 0-abstain. Inabot ng sampung oras ang mga senador upang maipasa ang naturang panukala. Ayon sa pangunahing may akda ng panukalang BBL na si Senador Migz Zubiri, matapos aprubahan ang kani-kanilang bersyon ng BBL sa mababa at mataas na kapulungan ay magkakaroon naman ng bicameral conference ang Kamara at Senado upang pag-isahin ito. Inaasahan na maisasapinal ang BBL sa pagbabalik sesyon ng Kamara at Senado sa Hulyo kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kapag na-review at naratipikahan na ng dalawang kapulungan ang pinag-isang bersyon ng BBL ay doon na lalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala. Matataandaang Martes nang sertipik...

Duterte: I’m declaring Boracay under land reform

Inianunsyo ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong isla ng Boracay sa land reform. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC sa Port Area, Maynila kung saan sinaksihan nito ang pagsira ng mga smuggled na mga scooters, big bikes at iba pang luxury vehicles. Sinabi ni Pangulong Duterte, posibleng maglalaan lamang ng kapirasong bahagi ng isla para sa commercial purposes. Ayon kay Pangulong Duterte, bahala na kung kokontra rito ang Kongreso basta siya ay desididong isailalim sa land reform ang Boracay na kasalukuyang nakasara sa mga turista kaugnay sa ginagawang rehabilitasyon. Hindi naman ito ang unang pagkakataong inihayag ito ni Pangulong Duterte at hindi pa naman naglalabas ng proklamasyon o Executive Order (EO) para rito. Source link The post Duterte: I’m declaring Boracay under land reform appeared first on - News Portal Philippines .

Mahigit 100 sasakyan sinira ng BOC

Para muling patunayan na seryoso ito sa kampanya kontra sa smuggling, 116 na smuggled na motorsiklo at anim na sasakyan na may kabuuang halaga na P43.71 milyon ang sinira ng Bureau of Customs. Personal itong sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng BOC sa Port Area sa Maynila kasama si Customs Chief Isidro Lapeña at Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez. Kabilang sa mga sinira ang 112 na units ng brandnew na Vespa scooters, mga second hand na BMW motorsiklo, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph motorcycle, Mitsibushi pajero, 2 unit ng Land Rover at isang Volvo na kotse. Kasabay nito, sinira naman sa Port of Cebu ang isang 2002 Ford Ecoline E350 at isa pang 2005 Ford Ecoline E350. Ang mga nasabing sasakyan ay magkakahiwalay na ipinasok sa Manila International Container Port, Port of Subic, Port of Cebu, at Port of Iloilo. Noong nakaraang February 6, 20 high-end na sasakyan ang pinadaanan sa buldozer kasabay ng founding anniversary ng BOC. Source link ...

National ID System, niratipikahan ng mga mambabatas sa Kamara bago ang kanilang adjourn sine die

Sa huling araw ng sesyon ng Kamara bago ang kanilang adjourn sine die niratipikan ng mga mambabatas ang National ID System mula sa Bicameral Conference Committee. Ilalagay sa National ID ang mga impormasyon tulad ng buong pangalan ng may-ari nito, kasarian, kapanganakan, lugar kung saan ito ipinanganak, address at blood type. Mayroon ding biometrics na kasama sa National ID kasama ang litrato, fingerprints at iris scan. Opsyonal para sa holder ng ID kung ilalagay ang kanyang marital status, email address at mobile number. Aa Philsys registry, maitatala din ang mga nasabing impormasyon para sa database ng gobyerno. Sinabi ng mga may akda na makatutulong ang Philippine Identification Act para maging seamless ang delivery ng serbisyo sa publiko, mas magiging maayos ang administrative governance, makakabawas sa katiwalian at bureaucratic red tape, makakatulong para masawata ang mga iligal na transaksiyon at mapapabilis pa ang proseso ng transaksiyon sa mga ahensiya o sangay ng gobyern...

Pangulong Duterte, tiniyak na walang “aquino-style” assassination sa pag-uwi ni Sison

Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na umuwi sa pilipinas para sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Sa kanyang talumpati sa change of command ng Presidential Security Group sa Malakanyang park, tiniyak ng Pangulo kay Sison na walang Aquino-style na assassination sa pag-uwi nito. “Walang Aquino style na patayan na barilin ko sa likod. it’s not my style,” pahayag ng Pangulo. Ang tinutukoy ng pangulo ay ang pag-uwi sa bansa ni dating Senador Ninoy Aquino na binaril ng nakatalikod sa tarmac noong August 1983. Ayon sa Pangulo, iniimbitahan niya si Sison na umuwi ng bansa para talakayin ang usapang pangkapayapaan Pero kapag wala aniyang nangyari sa usapang pangkapayapaan ay kanyang iiskortan si Sison sa airport para paalisin ng Pilipinas. Source link The post Pangulong Duterte, tiniyak na walang “aquino-style” assassination sa pag-uwi ni Sison appeared first on - News Portal Philippines .

Chief of police ng San Rafael, Bulacan sinibak dahil sa katiwalian

Sinibak na sa pwesto ang hepe ng pulisya sa San Rafael, Bulacan. Ito ang kinumprima ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan matapos masangkot sa isyu ng pangongotong ang mga tauhan ni Supt. Rizalino Andaya. Ayon kay Bersaluna, command responsibility ang dahilan ng pagkakasibak kay Andaya. Matagal na umanong sangkot sa ilang kaso ng katiwalian ang ilan sa mga pulis ni Andaya pero wala itong ginawa para disiplinahin ang kanyang mga tauhan. Idinagdag pa ni Bersaluna na ganito rin ang sasapitin ng mga opisyal ng pulisya sa lalawigan na walang gagawing hakbang para ayusin ang disiplina sa hanay ng kanilang mga nasasakupan. Pansamantalang papalitan si Andaya ni Police Chief Inspector Manuru Bantay Jr. Source link The post Chief of police ng San Rafael, Bulacan sinibak dahil sa katiwalian appeared first on - News Portal Philippines .

Bangsamoro Basic Law lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o House Bill 6475. Sa botong na 227-YES, 11- NO at 2 na Abstention pumasa sa plenaryo ng Kamara ang BBL. Nakasaad sa panukala na bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao at papalitan ito ng Autonomous Region of Bangsamoro o ARB. Sa ilalim nito, wala ng creeping expansion dahil isang beses lamang na magkakaroon plebesito na mangyayari 90 araw hanggang 120 araw matapos malagdaan ng pangulo. Sa ilalim nito, mananatili sa national government ang kapangyarihan may kaugnayan sa defense, external security, foreign policy, monetary policy, coinage, citizenship, naturalization, immigration, customs at tariff. Ang puwersa ng militar at pulisya ay mananatili rin sa national government kung saan ang ang italagang pulis at militar sa ARB ay manggagaling sa PNP at AFP subalit maaring mag apply dito ang mga miyembro ng MILF. Sa usapin naman ng fiscal autonomy, magkakaroon bawat taon ng 5% share sa m...

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol; Intensity I at III, naitala sa ilang kalapit-bayan

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Ilocos Norte, Miyerkules ng gabi. Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers South ng Paoay dakong 6:46 ng gabi. May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang dahilan. Bunsod ng pagyanig, naramdaman ang Intensity III sa mga sumusunod na lugar: – Bacarra, Ilocos Norte – Sinait, Ilocos Sur – Pasuquin, Ilocos Norte – Vigan City, at – Laoag City Naramdaman din ang Intensity I sa bayan ng Claveria sa Cagayan. Hindi naman inaasahang magdudulot ang lindol ng pinsala at aftershocks Source link The post Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol; Intensity I at III, naitala sa ilang kalapit-bayan appeared first on - News Portal Philippines .

Sinapit ni Ninoy hindi mauulit kay Sison ayon kay Duterte

Hindi lang pulis at sundalo ang nakahandang mag-bantay para sa proteksyon ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison kapag umuwi na sa bansa. Sa talumpati ng pangulo sa change of command ng Presidential Security Group (PSG), inatasan nito presidential guards na bigyang seguridad si Sison. Tiniyak din ng pangulo na walang mangayayari kay Sison na Aquino style o pagbaril sa likod. Ang tinutukoy ng pangulo ay ang pag-uwi sa bansa ni dating Sen. Ninoy Aquino na binaril sa likod sa Tarmac noong August 21, 1983. Ayon sa pangulo iniimbitahan niya si Sison na umuwi ng bansa para talakayin ang usaping pangkapayapaan. Pero kapag wala aniyang nangyayari sa peace talk ay siya mismo ang maging escort ni Sison palabas ng bansa. Si Sison ay ilang taon na ring namamalagi sa The Netherlands makaraan siyang humingi ng political asylum sa nasabing bansa. Source link The post Sinapit ni Ninoy hindi mauulit kay Sison ayon kay Duterte appeared first on - News Portal Ph...

BBL, aprubado na sa Kamara; 227 pabor, 11 tutol, 2 abstain

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 6475 o ang Bangsamoro Basic Law (BBL) proposal. Inaprubahan ang panukalang ito matapos na 227 kongresista ang pumabor, 11 ang tumutol at dalawa ang nag-abstain. Naging madali ang proseso sa pag-apruba sa BBL proposal matapos na sertipikahang “urgent” ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes. Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at papalitan naman ng Autonomous Region of Bangsamoro (ARB). Mananatili rin sa national government ang kapangyarihan sa defense, external security, foreign policy, coinage, at postal service. Nangangahulugan lamang ito na mananatili pa rin sa national government ang kapangyarihan sa pagkakatalaga ng pulis at militar sa ARB, subalit maari raw mag-apply rito ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Hindi naman din aalisin ang sistema ng Shariah Court sa ARB. Magkakaroon naman din ito ng sariling appelate court...

Kaso laban sa mga artista at personalidad na sangkot na droga inihahanda na

Inaayos na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang case build-up laban ng ilang showbiz personalities, TV hosts at anak ng ilang kilalang personalidad na sangkot sa iligal na droga. Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakuha nila ang pangalan ng mga nasabing mga personalidad mula kay Rajiv Gidwani. Magugunitang nahuli ng mga tauhan si Gidwani na isang Indian national sa loob ng isang exclusive village sa Alabang, Muntinlupa City kamakalawa. Nakuha mula sa supek ang ilang party drugs, marijuana at shabu at sa ginawang interogasyon ng mga otoridad ay kanyang inamin na supplier siya ng droga ng ilang mga celebrities. Tinangka pang suhuluan ng ama ng suspek ang mga operatiba ng PDEA ng P1 Million kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso kay Gidwani subalit hindi ito pinansin ng mga otoridad. Kinasuhan na si Gidwani ng paglabag sa paglabag sa anti-illegal drugs act samantalang sasampahan rin ng reklamo ang kanyang ama dahil sa tangkang panunuhol sa mga PDEA agents. Ti...

Deputy Comm. Prudente sinibak ni Duterte sa mismong BoC event

Harapang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng hapon si Bureau of Customs (BoC) Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente. Inianunsyo ni Duterte ang pagtanggal kay Prudente sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC sa Port Area, Maynila kung saan sinaksihan nito ang pagsira ng mga smuggled na mga scooters, big bikes at iba pang luxury vehicles. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi na raw niya pahihirapan ang Kamara sa isinasagawang imbestigasyon kay Prudente kaugnay ng nakalusot na 105 shipping containers sa kabila ng may alerto para sa shipment mula Enero hanggang Marso. Bago pangalanan ng Pangulo, inihayag nitong labis ang biyahe ni Prudente abroad o sa labas ng bansa. Binanggit din ng Presidente ang ilang mga bansa kung saan bumiyahe ang opisyal. Source link The post Deputy Comm. Prudente sinibak ni Duterte sa mismong BoC event appeared first on - News Portal Philippines .

BOC Deputy Commissioner sinibak sa pwesto ni Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa 122 smuggled motor vehicles sa Bureau of Customs sa Port Area sa Maynila. Kabilang sa mga winasak ay112 units ng Vespa scooters, ilang units ng Mitsubishi Pajero, Land Rovers at Volvo car. Kasabay ito ng pagsira rin sa ilang mga smuggled vehicles na nakumpiska naman sa Port of Cebu. Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na tuloy ang kanilang gagawing pagwasak sa mga kumpiskadong smuggled vehicles sa bansa. Sa pagsisimula ng kanyang talumpati ay inihayag ng pangulo na sisibakin niya sa posisyon si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente. Inisa-isa ng pangulo ang mga byahe sa abroad ng nasabing opisyal kabilang na ang pagpunta ng ilang beses sa Europe na hindi umano otorisado ng pamahalaan. Source link The post BOC Deputy Commissioner sinibak sa pwesto ni Duterte appeared first on - News Portal Philippines .

Calida nanindigan na walang iligal sa mga kontrata ng security agency ng kanyang pamilya

Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na wala siyang ginawang iligal at labag sa batas kaugnay ng kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng kanyang pamilya sa ilang ahensya ng gobyerno. Ayon kay Calida, nagbitiw na siya bilang chairman at presidente ng VISAI noon pang May 30, 2016 o isang buwan bago siya magsimulang manungkulan sa OSG noong Hulyo 2016. Nilinaw pa ng kampo ni Calida na hindi ang OSG ang “approving authority” para sa mga kasunduang pinasok ng VSAI na nakuha umano ng kumpanya sa pamamagitan ng public bidding. Dahil dito, wala umanong batayan ang ipinupukol na conflict of interest laban kay Calida. Nauna nang sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ligal at dumaan sa tamang proseso ng procurement ang kontrata na pinasok ng Department of Justice (DOJ) sa security company na pag-aari ng pamilya ni Calida. Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring binabalikan lamang si Calida ng ...

Operasyon ng US sa South China Sea, magpapatuloy – US defense chief

Nagmatigas ngayon ang Estados Unidos at sinabing magpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon sa South China Sea, sa kabila ng pagtutol dito ng Beijing. Ayon kay US Defense Sec. Jim Mattis, tila labis ang pagiging agresibo ng China sa bahagi ng nasabing karagatan. Aniya, nakalimutan na raw yata ng China na international water pa rin itong maituturing kaya may karapatan ang anumang bansa na maglayag dito. “You’ll notice there is only one country that seems to take active steps to rebuff them or state their resentment (to) them, but it’s international waters and a lot of nations want to see freedom of navigation,” giit ni Mattis habang patungo sa Hawaii para sa US Pacific Command. Nitong nakaraang Linggo nang maiulat ang paglalayag ng dalawang US Navy warships malapit sa South China Sea sa kabila ng paghimok ni President Donald Trump sa Beijing na tumulong sa pakikipag-ugnayan sa North Korea. Agad namang rumesponde sa ulat ang China na pinayuhan ang mga naturang warship na lisanin ang...

LRT-2 napatupad ng limitadong operasyon dahil sa problema sa wire

Gambar
Nagka-aberya ang biyahe ng isang tren ng Light Rail Transit-2 (LRT-2). Sa tweet ng ilang netizen, pinababa ang mga pasahero sa J. Ruiz Station dahil sa nagkaproblemang tren. Isa sa mga pasahero ang nagsabi na nasira ang kable ng tren. May tweet din ng larawan ng mga pasahero habang lumalabas ng tren at lumalabas na ng istasyon. Sa tweet naman ng LRT-2, as of 11:57 ng umaga nagpatupad na sila ng limitadong operasyon. Ang biyahe ng mga tren ay Santolan hanggang Cubao lamang at pabalik habang wala namang biyahe mula Cubao hanggang Recto at pabalik.                                       Source link The post LRT-2 napatupad ng limitadong operasyon dahil sa problema sa wire appeared first on - News Portal Philippines .

Proseso ng pag-aangkat ng diesel mula Russia umaarangkada

Inumpisahan na ng Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company (PNOC) ang pagproseso ng pag-aangkat ng Pilipinas ng produktong diesel sa bansang Russia. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may ginagawa nang hakbang ang PNOC at DOE. Dagdag ni Roque, nagpahayag na ng kahandaan ang kompanyang Petron at Phoenix Petroleum na maging distributor ng diesel. Nangako aniya sina Ramon Ang, may ari ng Petron at Dennis Uy, may-ari ng Phoenix Petroleum na ibebenta nila ang diesel mula sa Russia sa murang halaga at ipapatong lamang ang import at administration costs. “I’ll ask the details from Secretary Cusi, because kahapon po, kumpirmasyon lang ang nakuha ko sa kaniya na nagsisimula na po at gumagawa na ng hakbang, ang PNOC EC ang sinabi niya, na entity na gumagalaw para po mag-angkat ng diesel galing sa Russia. But I understand po, it’s never been done before; it’s a first although ang sabi ng DOE, we have imported before from a non-OPEC member-country. Ang pagsubo...

Bilang ng mga napatay sa war on drugs nadagdagan pa

Umakyat pa ang bilang ng mga drug personalities na napatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan. Sa presentayon ng “Real Numbers” sa Camp Crame, sinabi ng Philippine National Police (PNP), kasama ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na mula July 1, 2016 hanggang May 15, 2018 ay umabot na sa 99,485 ang naikasa na operasyon laban sa mga drug suspects. Nagresulta ito sa pagkakasawi ng 4,279 na indibidwal habang 143,335 naman ang naaresto. Hindi rin nakalusot ang mga government officials na sangkot sa iligal na droga kung saan 506 sa kanila ang naaresto. Batay rin sa datos, sa dalawang taon ng kampanya, nasa 2,678 na ang kabuuang kilo ng shabu na nasabat ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P20.77 bilyon kasama na ang mga laboratory equipment. Ang “Real Numbers” forum ay ang komprehensibong pag-uulat ng pamahalaan ng mga tunay na statistika sa war on drugs. Dito ay pinag-sama-sama ang lahat ng datos ng mga ahensya ng gobyerno na kaagapay ng PNP sa kampanya kontra drog...

LTFRB nagulat sa P80 minimum fare ng Grab

Nabigla ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isinagawang pagdinig sa apelang P2 per minute increase ng Grab Philippines dahil sa itinakdang minimum na P80 na singil kapag 3 kilometro lamang ang layo ng itatakbo at may ipinaiiral na P125 minimum fare para naman sa Grab Premium. Sa pagkakaalam ng LTFRB, P40 ang base fare para sa Grab car at P70 lamang para sa Grab premium. Dahil sa hindi malinaw ang nasabing minimum fare ng Grab, si LTFRB Chair Martin Delgra na ang nagsabi sa mga kinatawan ng kumpanya na ayusin ang kanilang mga dokumento dahil magulo ang mga isinusumite nilang petisyon. Hindi naman nagustuhan ng grupo ng mga mananakay ang kawalan umano ng transparency ng Grab sa tinatakda nitong pamasahe. Binigyan ng 10 araw ng LTFRB ang Grab para magsumite ng mas maayos na petisyon para sa fare hike habang sa June 26 nang umaga muling didinggin ng ahensya ang kanilang apela. Source link The post LTFRB nagulat sa P80 minimum fare ng Grab appeared fi...

Duterte may patutsada sa pagkapanalo ni Robredo sa nakalipas na eleksyon

Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Presdiential Electoral Tribunal laban kay Vice President Leni Robredo. Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Malacañang, hindi nito naiwasan na tanungin kung ano na ang update sa recount. “Ano bang… Ano bang latest count nito kay Bongbong pati kay ano? Ma-vice president ba talaga ‘yan kasi,” pahayag ng pangulo. Magugunitang noong June 29, 2016 nang isampa ni Marcos ang election protest laban kay Robredo kung saan kinuwestiyon nito ang resulta ng bilangan mula sa 132,446 precincts na nasa ilalim ng 27 lalawigan at siyudad. Sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth ay idineklara ni Robredo na mahigit na lamang sa P1 Million ang kanyang pera at mga ari-arian dahil malaki umano ang kanyang ibinayad sa filing fee para sagutin ang electoral protest ni Marcos. Source link The post Duterte may patutsada sa pagkapanalo ni Robredo sa nakalipas na e...

Trillanes itinanggi na minura at dinuro niya sa Senado si Labor Usec. Paras

Nilinaw ni Sen. Sonny Trillanes IV na hindi niya minura, dinuro o tinakot si Labor Usec. Jacinto Paras sa session hall ng Senado. Ayon kay Trillanes palabas siya ng session hall nang mapansin niya si Health Sec. Francisco Duque sa VIP Section. Aniya nilapitan niya si Duque at kinamayan at iniabot naman ni Paras ang kamay nito para kumamay sa senador ngunit tinanggihan niya ito. Sabi ni Trillanes ayaw naman niyang magpaka-plastic o maging ipokrito dahil si Paras ang nagreklamo sa kanya ng inciting to sedition sa Pasay City Prosecutors Office. Ngunit giit ni Trillanes hindi niya minura, dinuro o pinagbantaan si Paras. Nagkita muli ang dalawa sa elevator ngunit hindi sumabay dito si Paras. Source link The post Trillanes itinanggi na minura at dinuro niya sa Senado si Labor Usec. Paras appeared first on - News Portal Philippines .

BBL “certified as urgent bill” na ng Malacañang

Sinertipikahan na bilang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang version ng Bangsamoro Basic Law ng Kongreso at Senado. Sa kanyang talumpati sa Real Numbers Forum 2 sa Camp Crame, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatanggap sya ng ulat mula sa Office of the Executive Secretary na natapos na ang deliberasyon at nais ni Duterte na madaliin na ang pagsertipika sa nakabinbin na BBL versions. Kanya ring sinabi na kung ano man ang pagkakaiba ng dalawang version ay saka na ito pag uusapan at babaguhin. Matatandaang unang hiniling ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Duterte na i-certify as urgent ang BBL. Sa isang liham na nilagdaan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas, nakasaad na target nilang maipasa ang nasabing panukala sa ikatlo at huling pagbasa bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa katapusan ng buwan. Una rito, hiniling din ng Senado kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang kani...

Duterte nagtalaga ng mga bagong opisyal sa kanyang gabinete

Inilabas na ng Malacañang ang mga bagong appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang sa mga itinalaga ng pangulo sina retired Vice Admiral Alexander Lopez bilang undersercetary ng Department of Energy. Bago naitalagang DOE, nagsilbing commander ng Western Command at tagapag-bantay sa West Philippine Sea ang grupo ng opisyal. Itinaas naman ng pangulo ang posisyon ni Interior and Local Government Asec. Epimaco Densing III bilang bagong undersecretary ng kagawaran. Pupunan ni Densing ang puwesto ni dating Usec. John Castriciones na itinalaga naman ng pangulo bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform. Itinalaga rin ng pangulo si Renato Ebarle bilang undersecretary sa Labor Department. Si Ebarle ay dating undersecretary sa Office of the Executive Secretary noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Nare-appoint rin ng pangulo si Dante Ang bilang special envoy para sa International Public Relations maging sina William De Jesus Lima, Fernando Borja, bilang sp...

Malacañang nilinaw ang dahilan sa pagsibak sa Government Corporate Counsel

Nagpaliwanag ang Malacañang sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado. Sa pulong balitaan sa Bontoc, Mountain Province, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagbibigay ng maling legal opinion ni Jurado sa prangkisa sa Aurora Pacific Economic Zone ang naging basehan ng pangulo. Kasabay nito, sinabi ni Roque na 9 out of 10 ang kanyang grado sa pangulo sa kanyang anti-corruption at anti-drug campaign. Hindi maikakaila ayon kay Roque na walang tigil ang pangulo sa pagsibak sa kanyang mga tauhan at hindi takot na maubusan ng trabahante sa gobyerno. Naniniwala kasi aniya ang pangulo na kahit marami na ang nasisibak dahil sa koropsyon ay marami pa rin ang nagnanais na maglingkod sa bayan. Ang sinibak na si Jurado ay dating abogado ng mga aktor na sina Joey marquez at Robin Padill. Source link The post Malacañang nilinaw ang dahilan sa pagsibak sa Government Corporate Counsel appeared first on - News Portal Philippine...

BBL versions ng Kamara at Senado, ‘certified urgent’ ni Duterte

Kinumpirma ng Malacañang na sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang Bangsamoro Basic Law (BBL) versions ng Kamara at Senado. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ang mahaba-habang deliberasyon, nagdesisyon si Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang dalawang bersyon at ipinadala na sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang kopya ng sertipikasyon. Ayon kay Sec. Roque, sa oras na mapagkasundo at maisapinal ang mga bersyon ng Kamara at Senado, agad laladaan ni Pangulong Duterte ang BBL bilang bagong batas. Inihayag naman ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na ang ginawa ni Pangulong Duterte ang sertipikasyon dahil ang pagpasa sa BBL ay labis na mahalaga. “After much deliberation, the President has decided to make the House and Senate versions of the BBL as urgent and copy of it is on its way to both Houses of Congress. Once both chambers have reconciled and finalized the version, the President will sign the Bangsamoro Basic L...

DFA: Mga Pinoy sa Maryland sa U.S nanatiling ligtas sa bagyong Alberto

Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs na mayroong naapektuhang Pinoy sa flashflood sa Maryland sa U.S us dulot ng bagyong Alberto. Sa kabila nito, nagparating ng pakikidalamhati ang DFA sa mga apektado ng flashflood nitong weekend. Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, ipinagdasal din nila ang kaligtasan ng lahat na dadaanan ng bagyong Alberto. Sa ngayon aniya ay patuloy nilang sinusubaybayan amg paggalaw ng bagyo sa Southeastern coast ng U.S. Nakarating na rin sa kanya na nagdeklara ng state of emergency sa lugar dahil sa matinding pagbaha. Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, partikular na binabantayan ng DFA ang 25,500 na miyembro ng Filipino community na inaasahang maapektuhan ng bagyong Alberto. Source link The post DFA: Mga Pinoy sa Maryland sa U.S nanatiling ligtas sa bagyong Alberto appeared first on - News Portal Philippines .

PNP tumanggap ng mga bagong sasakyan mula sa South Korea

Pinagkalooban ng 130 patrol vehicles ng Republic of Korea ang Philippine National Police. Sa turn over ceremony na ginanap sa Camp Caringal sa Quezon City, binasbasan ang 81 units ng Starex vans at 49 units ng Hyundai Elantra na gagamitin sa anti-criminality ng pamahalaan. Ayon kay Commissioner General Lee Chul-Sung, Hepe ng Korean National Police, ibinigay nila ang mga sasakyan bilang pagkilala sa pagkakaibigan ng Korea at ng Pilipinas. Layun din daw nito na mas mapaigting pa ang police bilateral relations ng dalawang bansa. Nagpasalamat naman si PNP Chief Oscar Albayalde sa mga donasyon at nangako na gagamitin ito ng PNP sa pagsugpo sa krimen. Partikular na makikinabang sa mga bagong sasakyan ang Directorate for Investigation and Detection Management, Criminal Investigation and Detection Group, Anti-Kidnapping Group, Anti-Cybercrime Group at Natioanal Capital Region Police Office. Ipapamahagi rin ang mga sasakyan sa mga ilang lugar na may Korean Communities kagaya ng Angeles, ...

‘Bangsamoro Basic Law maisasabatas kasabay ng SONA ni Duterte’

Gambar
Inaasahan na maisasabatas umano ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa araw mismo ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 23. Pahayag ito ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas matapos na makipagpulong silang mga lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso kagabi sa Malacañang kasama si Pangulong Duterte para pagusapan ang mga contentious issues sa BBL proposal. Sa kanyang message sa mga reporters sa Kamara, sinabi ni Fariñas na wala naman daw iginiit o itinakda si Pangulong Duterte kaugnay sa nasabing panukala. Gayunman, inaprubahan naman daw ng punong ehekutibo ang kanilang hiling na sertipikahang urgent ang panukalang BBL. Nakatakda namang magpulong ang Bicameral Conference Committee sa congressional break upang maresolba ang conflicting provisions sa pagitan ng mga bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso katuwang ang executive department at Bangsamoro Transition Commission (BTC). “The President did not impose anything on Co...

DAR Sec. John Castriciones lusot na sa Commission on Appointments

Pinaboran na rin ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Atty. John Castriciones bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform. Sinabi ni Sen Grace Poe, Chairperson ng Committee on Agrarian Reform ng CA na nagkaroon ng secret balloting sa isinagawa nilang executive session. Aniya sa 15 miyembro ng komite, umaabot sa 13 ang pumabor kay Castriciones samantalang dalawa ang negatibo ang naging boto. Sa pagsalang ni Castriciones ay nadagdagan pa ng dalawa ang oppositor sa appointment ng kalihim at ang kanilang alegasyon ay walang itong sapat na kakayahan at kaalaman para pamunuan ang DAR. May alegasyon din kay Castriciones ng pambu-bully at harassement sa mga mismong kawani ng DAR. Source link The post DAR Sec. John Castriciones lusot na sa Commission on Appointments appeared first on - News Portal Philippines .

BBL maaring ‘di na sertipikahang ‘urgent’ ni Duterte – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na posibleng hindi na kailangan pang sertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Sa press briefing sa Bontoc, Mt. Province, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaharap-harap na ang mga mambabatas, Moro leaders at iba pang stakeholders na may kinalaman sa BBL kagabi sa Malacañang, kasama si Pangulong Dutete. Ayon kay Roque, bagama’t magkaiba ang bersyon ng BBL ng Kamara at Senado, ang mahalaga ngayon ay ang pagkakasundo nilang ipasa ang kani-kanilang bersyon at saka sila magkaisang ayusin sa bicameral conference committte para sa pormal na pagsasabatas nito. Inihayag ni Sec. Roque na sapat na ang garantiya ng mga Congress leaders para hindi na magsumite ng certification of urgency ang Malacañang para makalusot na ang BBL at maging isa nang ganap na batas. Source link The post BBL maaring ‘di na sertipikahang ‘urgent’ ni Duterte – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines .

Cedric Lee hinatulang guilty sa pagkidnap sa kanilang anak ni Vina Morales

Hinatulang guilty ng Mandaluyong Regional Trial Court ang negosyanteng si Cedric Lee kaugnay sa kasong kidnapping sa anak na babae ng actress-singer na si Vina Morales. Sa kanyang desisyon, sinabi ni Judge Anthony Fama na sadyang hindi ibinalik ni Lee ang anak nila ni Vina na si Ceana sa kanyang ina at ito ay paglabag sa kanilang kasunduan na pinagtibay naman ng hukuman. Noong 2016 ay inireklamo ni Vina ang kanyang dating boyfriend na si Lee dahil sa nilibag nito ang visitation rights sa kanilang anak. Mula May 13 hanggang 22 noong taong 2016 ay hindi umano pinayagan ni Lee na makauwi sa kanyang ina si Ceana na nagdulot ng behavioral effect sa nasabing bata. Sa kanyang argumento ay itinanggi ni Lee na itinago niya ang bata kay Vina. Ikinatwiran nito na mayroon silang kasunduan ng kanyang dating girlfriend na mananatili sa kanyang custody sa loob ng sampung araw ang kanilang anak. Sa panig ng hukuman ay kanilang sinabi na kinakitaan ng pagkakamali ang kampo ni Lee kaya pinagmumult...

Bilang ng mga pasaway na motorista nadoble ayon sa I-ACT

Halos 100% ang itinaas ng bilang ng mga nahuling lumabag sa batas-trapiko sa unang quarter ng taon kumpara sa last quarter ng 2018, Ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), mas higit sa 99.9% ang kanilang naitalang traffic apprehensions. Katumbas nito ang 4,132 nahuling lumabag sa batas-trapiko mula January hanggang May 24 kumpara sa 1,379 mula September hanggang December 2017. Nanguna sa listahan ng mga paglabag ang mga nagmamaneho ng mga sasakyang may sira, sinundan ng mga kolorum na sasakyan, illegal parking at out of line violations. Ilan pa sa mga naitalang paglabag ang smoke belching. Ipinahayag ni I-ACT Head Tim Orbos na ang bilang ng mataas na bilang ng traffic apprehensuon ay bunsod ng pinaigting na kampanya ng I-ACT. Bagaman malaking achievement para sa gobyerno, dismayado naman si Orbos na patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasaway habang tumatagal. Source link The post Bilang ng mga pasaway na motorista nadoble ayon sa I-ACT appeared first on - News Po...

Brgy. offcials inambush sa Cotabato, isa patay marami sugatan

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa pamamaril na naganap sa Barangay Takepan, Pikit North Cotabato kaninang alas-11:20 ng umaga. Kinilala ni Captain Arvin Encinas, Spokesperson ng 6th Infantry Division ang biktima na si Ronulfo Bautista. Habang natukoy naman ang sugatan na si Santos Bautista, Chairman ng Baranggay Takepan Pikit at kasama nitong dalawang barangay kagawad na sina Roberto Midsapak at Robin Salvador. Ayon sa otoridad na sakay ang apat sa kulay dilaw na multicab galing sa may Pikit Gymnasium ang mga biktima ngunit pagsapit sa harapan ng Pauro Mangkap Hardware ay pinagbabaril sila ng mga suspek. Namatay agad si Bautista habang dinala naman agad sa ospital ang kapitan at dalawang kagawad. Nagsagawa naman agad ng hot pursuit operation ang otoridad upang tugisin ang mga salarin.   Source link The post Brgy. offcials inambush sa Cotabato, isa patay marami sugatan appeared first on - News Portal Philippines .

Government corporate counsel sinibak sa pwesto ni Duterte

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado dahil sa umano’y sa pakikialam para mabigyan ng 75-year permit ang isang casino operator. Bago ang kanyang talumpati sa isang event sa Malacañang kanina ay hinanap pa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jurado. Ayon sa pangulo, “May I call the government corporate counsel now? Are you here? Because if you are here, come out. You are fired”. Nauna nang lumabas ang mga ulat na hindi nagustuhan ng pangulo ang pakikialam ni Jurado sa pagbibigay ng permit para sa pagtatayo ng isang casino sa Aurora Pacific Economic Zone (Apeco) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA). Binalaan rin ng pangulo ang iba pang opisyal ng kanyang administrasyon na huwag makialam sa trabaho ng ibang ahensya ng gobyerno. Sa kanyang pahayag, sinabi naman ni Jurado na tinatanggap niya ang desisyon ng pangulo na alisin siya sa pwesto. Pero nanindigan ito na biktima siya ng intriga sa mismong ...

Tulong ng mga negosyante sa administrasyon hiniling ni Avanceña

Hinimok ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña ang mga negosyante na tumulong sa anti-corruption, anti-criminality at anti-drug campaign ng administrasyon. Sa pagdalo ni Avanceña sa paglulunsad ng Invest Bulacan 2018 sa Malolos City, sinabi nito na kinakailangan na mailatag ang magandang business climate sa lugar ng walang korupsyon at mga adik. Ang Invest Bulacan ay kampanya ng lokal na pamahalaan para hikayatin ang mag negosyante na maglagak ng puhunan sa lalawigan na bahagi ng layunin ng administrasyon na i-decongest ang Metro Manila. Para mapasigla anya ang negosyo sa Bulacan ay magtatayo ng paliparan sa lalawigan. Samantala, pinasalamatan naman ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pagpapasalamat sa mga negosyante dahil sa pagsuporta sa mga programa ng pangulo. maasakit man aniya sa kalooban ng pangulo ang pagsibak sa mga kaibigan ay gagawin ito ng punong ehekutibo para mawalis ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno. ...

Gov’t Corporate Counsel Jurado, sinibak ni Duterte

Inianunsyo ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtanggal sa puwesto kay Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati ngayong gabi sa ceremonial signing ng “Ease of Doing Business Act” at “Act Converting Davao Oriental State College of Science and Technology into Davao Oriental State University” sa Palasyo ng Malacañang. Ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ay itinuturing na “principal and statutory law office” ng mga government-owned-and-controlled corporations (GOCC’s), government financial institutions (GFIs), government corporate offspring, government instrumentalities na may corporate powers at government acquired asset corporations. Inihayag ni Pangulong Duterte na sinibak nito si Jurado dahil sa pagbibigay ng prangkisa na labas na sa kanyang hurisdiksyon. Hindi naman tinukoy ni Pangulong Duterte kung aling partikular na prangkisa ang ibinigay ni Jurado. Si Jurado ay fraternity br...

P1.1 Billion na isinauli ng Sanofi Pasteur magagamit na ng mga nabakunahan ng Dengvaxia

Magagamit na ng mga nabakunahan ng Dengvaxia ang higit sa P1.1 Billion na isinauling bayad ng Sanofi Pasteur. Ito ang tiniyak ni Sen. Loren Legarda matapos ang pagdinig ukol sa mga panukala na paglalaan ng pondo bilang bahagi ng medical assistance program para sa Dengvaxia vacinees. Sinabi pa ng senadora na ang pondo ay gagamitin para sa mga magiging pangangailangang medikal ng higit 800,000 na naturukan ng Dengvaxia. Dagdag pa ni Legarda, kailangan linawin kung magkakaroon lang ng takdang panahon sa paggamit ng naturang pondo o hanggang sa maubos ito. Pagtitiyak pa nito na tututukan niya ang paggasta ng pondo para hindi na muling mabiktima ang mga nabukanahan. Samantala, umapela naman ang grupo ng mga magulang ng mga nabakunahan ng Dengvaxia na ayusin na ng Department of Health ang listahan ng mga nabigyan ng nasabing anti-dengue vaccines. Source link The post P1.1 Billion na isinauli ng Sanofi Pasteur magagamit na ng mga nabakunahan ng Dengvaxia appeared first on - News Porta...

Kamara kakausapin ang pangulo para sa ilang probisyon ng Bangsamoro entity

Nakatakdang makipag pulong ngayong araw kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Kamara kaugnay sa mga probisyon ng Bangsamoro Basic Law. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, matapos ang kanilang all-member caucus kanina, napagkasunduan na kunsultahin ang pangulo sa pinal na latag ng BBL. Idudulog anila sa pangulo ang mga kumplikadong probisyon ng panukala. Kabilang ang usapin ng fiscal autonomy na ayon sa ilang mga mababatas ay mangangailangan ng isang batas para ibigay sa Bangsamoro. Kasama rin ang isyu ng opt-in provision kung saan itinatakda na maaring sumama sa sakop ng itatayong Bangsamoro entity ang isang lalawigan kung makakuha ng sampung porsyento ng rehistradong botante ang papabor dito sa gagawing plebesito. Base sa inaprubahang BBL sa joint committee Kamara magkakaroon ang bubuuing Bangsamoro Region ng sariling pulis at sundalo pero mananatili pa rin ito sa ilalaim ng PNP at AFP. Kapag anya naplantsa na ang gusot sa bersyon na inaprubahan ng komite sa...

Mag-asawang kongresista at mayor sa Bulacan kinasuhan ng murder

Nahaharap ngayon sa kasong murder at 43 counts ng frustrated murder sa Office of the Ombudsman ang mayor ng San Jose Del Monte, Bulacan na si Mayor Arthur Robes at kaniyang asawang si Congresswoman Florida Robes. Ang kaso ay nag-ugat sa  malagim na nangyaring pagsabog ng tangke ng tubig noong Oktubre, 2017 sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nagdesisyon na magsampa ng kaso ang City Councilor Irene Del Rosario matapos na lumutang ang dalawang taga-Calapan Oriental Mindoro na nagpahayag na inutusan sila ng mga Robes na gumawa ng imbentong akusasyon para iugnay ang konsehala sa insidente. Ayon sa dalawang testigo, bianayaran sila sa halagang P8,000 para pumirma ng pekeng affidavit na nagtuturo sa konsehala na utak umano ng pagsabog ng malaking water tank ng lungsod. Una nang sinalungat ng konsehala ang privatization dahil may P1.8 Billion na kita ang lokal na water district na sapat para magkaroon ito ng modernong pasilidad Iginigiit ni Del Rosario na  sinady...

Nag-leak sa publiko ng kaso ng gambling tycoon na si Kazuo Okada kakasuhan

Paiimbestigahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang City Prosecutor sa Paranaque sa harap ng reklamo kaugnay sa umano’y nag-leak na kopya ng resolusyon ng piskalya sa kasong estafa laban sa Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada. Ayon kay Guevarra, agad niyang paiimbestigahan ang isyu dahil hindi pinapayagan ang premature o maagang pagpapalabas ng mga kautusan at resolusyon. Paliwanag ni Guevarra, pinapayagan lamang ang mas maagang pagpapalabas ng kopya ng resolusyon bago ang official release nito sa mga sitwasyong hindi talaga kayang maiwasan o kailangang kailangan. Si Paranaque City Prosecutor Amerhassan Paudac ay inaakusahan ng bias at gross impartiality ng Tiger Resort Leisure and Entertainment, Inc, ang complainant laban kay Okada dahil sa lumabas na kopya ng diumano’y resolusyon na nagbabasura sa reklamo. Lumabas umano ang kopya ng resolusyon sa social media account ng isang taong hindi partido sa kaso, gayong ang mismong Tiger Resort na naghain ng...

3 kasapi ng Angolan ‘budol-budol’ gang, hinuli ng CIDG sa Pasay City

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong miyembro ng Angolan “Budol-Budol” Gang sa inilunsad na entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-NCR. Naaresto ang tatlong banyagang swindler noong May 25 sa may bisinidad ng Mall of Asia sa Pasay City. Kinilala ni CIDG chief PDir. Roel Obusan ang tatlong indibidwal na sina Aaron James, 44, taga-Puerto Rico; Brown Akwe Fonboh, 43, tubong Estados Unidos; at Gum Blanche Murphy, 28, mula Angola at kasalukuyang nakatira sa isang hotel sa Ortigas Avenue, lungsod ng Pasig. Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Chinese na nabiktima umano ng tatlo kung saan umabot sa P250,000 ang nakuha sa biktima. Paliwanag ni Obusan, modus daw ng mga ito na paniwalain ang kanilang mga biktima na nakakagawa sila ng mga US dollar bills sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraphernalia at chemical. Pero hindi pa umano tumigil ang mga suspek noong May 23 kung saan muli nilang inenganyo ang biktima at humingi rito ng P5-million sa pangakong...

Panukalang gawing P750 ang minimum wage inihain ng Makabayan bloc sa kamara

Inihain na ng Makabayan bloc sa kamara ang panukala para sa across the board minimum wage na P750 kada araw sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Base sa House Bill 7787 na inihain ng Makabayan bloc, nais ng mga ito na gawing pare-pareho ang kada araw na sahod ng mga minimum wage earner sa lahat ng rehiyon sa bansa. Sinabi ng Makabayan bloc na hindi na uubra ang pagkaka iba ng arawang sahod sa iba’t-ibang lugar dahil sa pare-pareho na naman ang taas sa presyo ng serbisyo at mga bilihin. Bukod dito, nais din ng grupo na buwagin na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na siyang nagtatakda ng taas sahod sa iba’t-ibang rehiyon. Sa Metro Manila, P512 ang minimum wage kada araw na ayon sa Makabayan ay hindi sapat lalo na ngayong ramdam na ramdam ang epekto ng TRAIN Law. Kaugnay nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang kongreso na bigyang prayoridad ang panukala.                     ...

PNP nais na manatiling in-charge sa hanay ng mga pulis ng Bangsamoro

Itinutulak ng Philippine National Police (PNP) na manatili silang in-charge sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Bangsamoro region kapag naipasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ay sa halip na ang magiging pinuno ng Bangsamoro government ang siya ring mamamahala sa hanay ng mga pulis. Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, nais nila na manggagaling pa rin ang mga kautusan para sa mga pulis sa National Headquarters sa Camp Crame. Aniya, gusto nila na magkaroon ng kahit isang regional office sa Bangsamoro region na nasa ilalim pa rin ng PNP. Sa ilalim kasi ng panukalang BBL, ang chief minister ng Bangsamoro government ang siyang may hawak sa local police na tatawaging Bangsamoro Police. Pangamba ni Albayalde, baka ma-pulitika ang local police kung ang gobyerno mismo ang hahawak dito. Dagdag pa ng PNP chief, hindi niya gustong magkaroon ng scenario kung saan wala nang hawak na kontrol ang PNP sa kanilang sariling mga pulis at maging isang malaking private armed grou...

Gusali nasusunog sa Binondo, Maynila

Kasalukuyang nasusunog ang isang gusali sa Quintin Paredes Street na sakop ng Binondo, Maynila. Partikular na nasusunog ang 7 palapag na gusali ng Land Management Bureau ng Depertment of Environment and Natural Resources (DENR). Ala-1:18 nang itaas ang Task Force Alpha ngunit makalipas ang halos 20 minuto ay inakyat ang alarma sa Task Force Bravo. Sumiklab ang sunog bandang alas-12:30 ng hatinggabi. Ayon sa mga otoridad, hindi pa nila matiyak ang sanhi ng sunog dahil prayoridad ng mga ito na apulahin muna ang pagliliyab. Source link The post Gusali nasusunog sa Binondo, Maynila appeared first on - News Portal Philippines .

Pagpatay sa alkalde ng Bohol patuloy na iniimbestigahan

Cebu City- Patuloy pa rin ang pagtugis ng mga kapulisan sa pamamaril at pagpatay kay Bohol Buenavista Mayor Ronald Tirol na binaril ng hindi pa matukoy na mga salarin habang ito ay nasa loob ng sabungan Linggo ng hapon. Sa inisyal na imbestigasyon lumabas na naka-upo lang umano ang alkalde sa isang sulok ng cockpit […] The post Pagpatay sa alkalde ng Bohol patuloy na iniimbestigahan appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post Pagpatay sa alkalde ng Bohol patuloy na iniimbestigahan appeared first on - News Portal Philippines .

500 pamilyang nasunugan sa Navotas at QC, binigyan ng ayuda ng Palasyo

Binigyan ng ayuda ng Palasyo ng Malakanyang ang 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City. Pinangunahan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng hygiene kit, grocery items, at financial assistance sa mga biktima. Ayon kay Go, nakikipag-ugnayan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos mabatid na karamihan sa mga nasunugan sa Navotas ay wala pang titulo ng lupa. Nakaalalay naman aniya ang National House Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) para sa mga nasugan sa Barangay Vasra sa QC. Bukod sa Malakanyang, nagbigay din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at PAGCOR. LOOK: Pinangunahan ni SAP Bong Go ang pagbibigay ng ayuda sa 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City | @chonayu1 Photo credit: SAP Bong Go pic.twitter.com/W7cxaTQJUF — RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 27, 2018 LOOK: Pinangunahan ni SA...

GSW, wagi vs Rockets sa Game 6 ng NBA West finals

Naitabla ng Golden State Warrios (GSW) sa 3-3 series ang 2018 NBA Western Conference finals kontra Houston Rockets. Pinangunahan ng Warriors shooting guard na si Klay Thompson ang Game 6 matapos makapagtala ng 35 points dahilan para umabot ang final score sa 115-86. Lamang pa ang Rockets sa Warriors nang matapos ang first half ng laro. Ngunit umarangkada ang Warriors sa second half ng laro para maidepensa ang NBA championship title. Nakapag-ambag naman ang Warriors star na si Stephen Curry ng 29 points habang 23 points naman si Kevin Durant. Nakatakdang isagawa ang Game 7 ng West finals sa court ng Rockets sa Martes. Source link The post GSW, wagi vs Rockets sa Game 6 ng NBA West finals appeared first on - News Portal Philippines .

Alkalde ng Buenavista, Bohol patay sa pamamaril

Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang alkalde ng Buenavista, Bohol na si Ronald Lowell Tirol. Ito ay matapos siyang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin sa Buenavista Cockpit Arena sa bayan ng Buenavista. Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 7, nasa nasabing lugar si Tirol nang pagbabarilin sa ulo ng tatlong salarin. Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Agad namang isinugod sa Dagohoy Hospital sa Inabanga, Bohol ang alkalde upang malapatan ng lunas. Ngunit habang ginagamot si Tirol ay binawian ito ng buhay. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, kasabay ng pagtugis sa mga suspek. Source link The post Alkalde ng Buenavista, Bohol patay sa pamamaril appeared first on - News Portal Philippines .

Alkalde ng Buenavista, Bohol payat sa pamamaril

Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang alkalde ng Buenavista, Bohol na si Ronald Lowell Tirol. Ito ay matapos siyang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin sa Buenavista Cockpit Arena sa bayan ng Buenavista. Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 7, nasa nasabing lugar si Tirol nang pagbabarilin sa ulo ng tatlong salarin. Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Agad namang isinugod sa Dagohoy Hospital sa Inabanga, Bohol ang alkalde upang malapatan ng lunas. Ngunit habang ginagamot si Tirol ay binawian ito ng buhay. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, kasabay ng pagtugis sa mga suspek. Source link The post Alkalde ng Buenavista, Bohol payat sa pamamaril appeared first on - News Portal Philippines .

PALPAK NA “DALIAN TRAINS” NG MRT-3, ISOSOLI BA NG DOTR? sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo

Opisyal nang idineklara ng mga Japanese at German engineers sa DOTR na sobrang dami ng depekto ng biniling 48 train coaches ng PNoy administration noong 2013 sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company ng China na nagkakahalaga ng P3.5B kung saan may “15% advance payment” ang gobyerno na P565M. Sabi ng Japanese engineers sa kanilang report nitong Abril, dapat ibalik ang mga tren sa Dalian at magsimula sa “fabrication” lalot napakaraming seryosong “design flops”, tulad ng “overweight at “wrong sized”. Halos pareho rin ang “findings” ng German company na TUV Rhineland na naunang kinuha ng DOTR nitong Pebrero. Ayon sa kanila, maraming problema sa “safety” at “performance” ng Dalian trains dahil na rin sa maling disensyo. Ngayon, ang parehong rekomendasyon ay nasa upisina ni DOTR Sec. Arthur Tugade na magpapasya kung susundin ang mga rekomendasyon ng audit groups at ibalik ang 48 depektibong Dalian trains sa China. On the record, hindi lang tayo ang magsosoli ng mga tren sa Dalian, a...

Brigada Eskwela, aarangkada na sa Miyerkules

Aarangkada na sa araw ng Miyerkules ang Brigada Eskwela sa General Santos City. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gagawin ang Brigada Eskwela limang araw bago ang pagsisimula ng klase sa Hunyo 4. Dagdag ni Briones, bagama’t hindi pa pormal na nagsisimula ang Brigada Eskwela, ilang mga guro at mga magulang na ang nagsimulang maglinis ng mga silid-aralan para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante. Ayon kay Briones, kaya napili ang General Santos City sa pagbubukas ng Brigada Eskwela para maging kintawan ng Mindanao region. Noong nakaraang taon aniya, sa Visayas region isinagawa ang pagbubukas ng Brigada Eskwela. Pipilitin aniya ng Department of Education na madagdagan ang mga guro. Target aniya ng DepEd na gawing 25 estudyante sa ang ratio sa Kindergarten, 35 sa grades one hanggang four at 40 estudyante sa grades five at six. Inaprubahan na aniya ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagkuha ng dagdag na 75,000 guro. Maari aniyang mag-apply ang mga bagong...