Duterte: I’m declaring Boracay under land reform

Inianunsyo ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong isla ng Boracay sa land reform.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC sa Port Area, Maynila kung saan sinaksihan nito ang pagsira ng mga smuggled na mga scooters, big bikes at iba pang luxury vehicles.

Sinabi ni Pangulong Duterte, posibleng maglalaan lamang ng kapirasong bahagi ng isla para sa commercial purposes.

Ayon kay Pangulong Duterte, bahala na kung kokontra rito ang Kongreso basta siya ay desididong isailalim sa land reform ang Boracay na kasalukuyang nakasara sa mga turista kaugnay sa ginagawang rehabilitasyon.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong inihayag ito ni Pangulong Duterte at hindi pa naman naglalabas ng proklamasyon o Executive Order (EO) para rito.

Source link

The post Duterte: I’m declaring Boracay under land reform appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers