Duterte may patutsada sa pagkapanalo ni Robredo sa nakalipas na eleksyon
Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Presdiential Electoral Tribunal laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Malacañang, hindi nito naiwasan na tanungin kung ano na ang update sa recount.
“Ano bang… Ano bang latest count nito kay Bongbong pati kay ano? Ma-vice president ba talaga ‘yan kasi,” pahayag ng pangulo.
Magugunitang noong June 29, 2016 nang isampa ni Marcos ang election protest laban kay Robredo kung saan kinuwestiyon nito ang resulta ng bilangan mula sa 132,446 precincts na nasa ilalim ng 27 lalawigan at siyudad.
Sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth ay idineklara ni Robredo na mahigit na lamang sa P1 Million ang kanyang pera at mga ari-arian dahil malaki umano ang kanyang ibinayad sa filing fee para sagutin ang electoral protest ni Marcos.
The post Duterte may patutsada sa pagkapanalo ni Robredo sa nakalipas na eleksyon appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar