Mag-asawang kongresista at mayor sa Bulacan kinasuhan ng murder
Nahaharap ngayon sa kasong murder at 43 counts ng frustrated murder sa Office of the Ombudsman ang mayor ng San Jose Del Monte, Bulacan na si Mayor Arthur Robes at kaniyang asawang si Congresswoman Florida Robes.
Ang kaso ay nag-ugat sa malagim na nangyaring pagsabog ng tangke ng tubig noong Oktubre, 2017 sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Nagdesisyon na magsampa ng kaso ang City Councilor Irene Del Rosario matapos na lumutang ang dalawang taga-Calapan Oriental Mindoro na nagpahayag na inutusan sila ng mga Robes na gumawa ng imbentong akusasyon para iugnay ang konsehala sa insidente.
Ayon sa dalawang testigo, bianayaran sila sa halagang P8,000 para pumirma ng pekeng affidavit na nagtuturo sa konsehala na utak umano ng pagsabog ng malaking water tank ng lungsod.
Una nang sinalungat ng konsehala ang privatization dahil may P1.8 Billion na kita ang lokal na water district na sapat para magkaroon ito ng modernong pasilidad
Iginigiit ni Del Rosario na sinadya ang pagpapasabog para bigyan daan ang joint venture agreement sa Prime Water Infrastructure Corporation at ng water district ng San Jose Del Monte Bulacan.
The post Mag-asawang kongresista at mayor sa Bulacan kinasuhan ng murder appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar