Bilang ng mga pasaway na motorista nadoble ayon sa I-ACT
Halos 100% ang itinaas ng bilang ng mga nahuling lumabag sa batas-trapiko sa unang quarter ng taon kumpara sa last quarter ng 2018,
Ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), mas higit sa 99.9% ang kanilang naitalang traffic apprehensions.
Katumbas nito ang 4,132 nahuling lumabag sa batas-trapiko mula January hanggang May 24 kumpara sa 1,379 mula September hanggang December 2017.
Nanguna sa listahan ng mga paglabag ang mga nagmamaneho ng mga sasakyang may sira, sinundan ng mga kolorum na sasakyan, illegal parking at out of line violations.
Ilan pa sa mga naitalang paglabag ang smoke belching.
Ipinahayag ni I-ACT Head Tim Orbos na ang bilang ng mataas na bilang ng traffic apprehensuon ay bunsod ng pinaigting na kampanya ng I-ACT.
Bagaman malaking achievement para sa gobyerno, dismayado naman si Orbos na patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasaway habang tumatagal.
The post Bilang ng mga pasaway na motorista nadoble ayon sa I-ACT appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar