Sinapit ni Ninoy hindi mauulit kay Sison ayon kay Duterte

Hindi lang pulis at sundalo ang nakahandang mag-bantay para sa proteksyon ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison kapag umuwi na sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa change of command ng Presidential Security Group (PSG), inatasan nito presidential guards na bigyang seguridad si Sison.

Tiniyak din ng pangulo na walang mangayayari kay Sison na Aquino style o pagbaril sa likod.

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang pag-uwi sa bansa ni dating Sen. Ninoy Aquino na binaril sa likod sa Tarmac noong August 21, 1983.

Ayon sa pangulo iniimbitahan niya si Sison na umuwi ng bansa para talakayin ang usaping pangkapayapaan.

Pero kapag wala aniyang nangyayari sa peace talk ay siya mismo ang maging escort ni Sison palabas ng bansa.

Si Sison ay ilang taon na ring namamalagi sa The Netherlands makaraan siyang humingi ng political asylum sa nasabing bansa.

Source link

The post Sinapit ni Ninoy hindi mauulit kay Sison ayon kay Duterte appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers