P1 Million halaga ng shabu nakumpiska sa drug den sa Bataan
Nakumpiska ang halos P1 Million halaga ng shabu sa Dinakupihan, Bataan.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa Barangay Rizal.
Ayon kay PDEA Regional Director Gil Pabilona, nasabat ng mga otoridad ang P800,000 halaga ng 28 sachet ng hinihinalang shabu at 15 gramo ng marijuana.
Nakilala ang lider ng grupo na si Ferdinand Mallari.
Kasama sa mga inaresto sina Audie-Mar Simsuangco, Eduardo Pecson, Elmer Angeles at Kristine Mallari.
Nag-ooperate umano ng drug den ang mga suspek at matagal na silang tinutugaygayan ng mga otoridad.
Nakadetine ngayon ang mga suspek sa pasilidad ng PDEA sa San Fernando City, Pampanga.
The post P1 Million halaga ng shabu nakumpiska sa drug den sa Bataan appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar