Malacañan naghihintay na isauli ng Tulfo brothers ang P60M sa DOT
Umaasa ang Palasyo ng Malacañan na panininidigan ng Tulfo brothers ang pangako na isasauli sa Department of Tourism (DOT) ang P60 milyong kontrata na nakuha para sa kanilang tv show na Kilos Pronto sa PTV4.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang magkapatid na Ben at Erwin Tulfo ang nangako na isasauli nila ang pera.
“It’s up to the Tulfos now since they are the ones who voluntarily said that they would return it, so we’re counting on their word of honor that if they will return it, and they said that they will really return it,” ayon kay Roque.
Sinabi pa ni Roque na bahala na ang Office of the Ombudsman at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing kontrata.
Una rito, inamin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hanggang ngayon ay hindi pa isinasauli ng Tulfo brothers ang P60 milyon.
The post Malacañan naghihintay na isauli ng Tulfo brothers ang P60M sa DOT appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar