BBL, lalagdaan ni Duterte sa kanyang SONA – Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagkakapasa sa Kamara at Senado ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal nitong bersyon sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

Kung maaalala, matapos sertipikhang urgent ni Pangulong Duterte, naipasa na ng Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng BBL.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, paplantsahin na lamang ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagkakaiba ng kanilang bersyon sa gagawing bicameral conference committee.

Ayon kay Sec. Roque, mahalagang mapagkasundo ng Kamara at Senado ang kanilang mga bersyon at matugunan ang mga kwestiyon sa ligalidad o constitutionality ng panukalang batas bago lagdaan ni Pangulong Duterte.

Ayaw aniya ng administrasyon na matulad lamang ang BBL sa naging kapalaran noon ng Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain na ibinasura ng Korte Suprema.

Inihayag ni Sec. Roque na mahalaga ang BBL para makamit ang kapayapaan sa Mindanao at maiwasang muling pumutok ang kaguluhan sa rehiyon.

Source link

The post BBL, lalagdaan ni Duterte sa kanyang SONA – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers