Mahigit 100 sasakyan sinira ng BOC

Para muling patunayan na seryoso ito sa kampanya kontra sa smuggling, 116 na smuggled na motorsiklo at anim na sasakyan na may kabuuang halaga na P43.71 milyon ang sinira ng Bureau of Customs.

Personal itong sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng BOC sa Port Area sa Maynila kasama si Customs Chief Isidro LapeƱa at Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez.

Kabilang sa mga sinira ang 112 na units ng brandnew na Vespa scooters, mga second hand na BMW motorsiklo, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph motorcycle, Mitsibushi pajero, 2 unit ng Land Rover at isang Volvo na kotse.

Kasabay nito, sinira naman sa Port of Cebu ang isang 2002 Ford Ecoline E350 at isa pang 2005 Ford Ecoline E350.

Ang mga nasabing sasakyan ay magkakahiwalay na ipinasok sa Manila International Container Port, Port of Subic, Port of Cebu, at Port of Iloilo.

Noong nakaraang February 6, 20 high-end na sasakyan ang pinadaanan sa buldozer kasabay ng founding anniversary ng BOC.

Source link

The post Mahigit 100 sasakyan sinira ng BOC appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers