Bilang ng mga napatay sa war on drugs nadagdagan pa

Umakyat pa ang bilang ng mga drug personalities na napatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa presentayon ng “Real Numbers” sa Camp Crame, sinabi ng Philippine National Police (PNP), kasama ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na mula July 1, 2016 hanggang May 15, 2018 ay umabot na sa 99,485 ang naikasa na operasyon laban sa mga drug suspects.

Nagresulta ito sa pagkakasawi ng 4,279 na indibidwal habang 143,335 naman ang naaresto.

Hindi rin nakalusot ang mga government officials na sangkot sa iligal na droga kung saan 506 sa kanila ang naaresto.

Batay rin sa datos, sa dalawang taon ng kampanya, nasa 2,678 na ang kabuuang kilo ng shabu na nasabat ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P20.77 bilyon kasama na ang mga laboratory equipment.

Ang “Real Numbers” forum ay ang komprehensibong pag-uulat ng pamahalaan ng mga tunay na statistika sa war on drugs.

Dito ay pinag-sama-sama ang lahat ng datos ng mga ahensya ng gobyerno na kaagapay ng PNP sa kampanya kontra droga tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), at National Bureau of Investigation (NBI).

Magugunitang inilunsad ang “Real Numbers” forum noong isang taon sa gitna ng mga kumalat sa media na iba’t ibang bilang ng mga namatay sa war on drugs.

Layon ng forum na gawing mas transparent ang war on drugs ng pamahalaan at isulong ang best practices sa pagpapatupad nito.

Source link

The post Bilang ng mga napatay sa war on drugs nadagdagan pa appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers