Pangulong Duterte, tiniyak na walang “aquino-style” assassination sa pag-uwi ni Sison
Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na umuwi sa pilipinas para sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa change of command ng Presidential Security Group sa Malakanyang park, tiniyak ng Pangulo kay Sison na walang Aquino-style na assassination sa pag-uwi nito.
“Walang Aquino style na patayan na barilin ko sa likod. it’s not my style,” pahayag ng Pangulo.
Ang tinutukoy ng pangulo ay ang pag-uwi sa bansa ni dating Senador Ninoy Aquino na binaril ng nakatalikod sa tarmac noong August 1983.
Ayon sa Pangulo, iniimbitahan niya si Sison na umuwi ng bansa para talakayin ang usapang pangkapayapaan
Pero kapag wala aniyang nangyari sa usapang pangkapayapaan ay kanyang iiskortan si Sison sa airport para paalisin ng Pilipinas.
The post Pangulong Duterte, tiniyak na walang “aquino-style” assassination sa pag-uwi ni Sison appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar