Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol; Intensity I at III, naitala sa ilang kalapit-bayan

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Ilocos Norte, Miyerkules ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers South ng Paoay dakong 6:46 ng gabi.

May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod ng pagyanig, naramdaman ang Intensity III sa mga sumusunod na lugar:
– Bacarra, Ilocos Norte
– Sinait, Ilocos Sur
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Vigan City, at
– Laoag City

Naramdaman din ang Intensity I sa bayan ng Claveria sa Cagayan.

Hindi naman inaasahang magdudulot ang lindol ng pinsala at aftershocks

Source link

The post Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol; Intensity I at III, naitala sa ilang kalapit-bayan appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Pangalan ng ikatlong anak nina Prince William at Duchess of Cambridge, isinapubliko na

Deputy Comm. Prudente sinibak ni Duterte sa mismong BoC event

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT