500 pamilyang nasunugan sa Navotas at QC, binigyan ng ayuda ng Palasyo
Binigyan ng ayuda ng Palasyo ng Malakanyang ang 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City.
Pinangunahan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng hygiene kit, grocery items, at financial assistance sa mga biktima.
Ayon kay Go, nakikipag-ugnayan na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos mabatid na karamihan sa mga nasunugan sa Navotas ay wala pang titulo ng lupa.
Nakaalalay naman aniya ang National House Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) para sa mga nasugan sa Barangay Vasra sa QC.
Bukod sa Malakanyang, nagbigay din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at PAGCOR.
LOOK: Pinangunahan ni SAP Bong Go ang pagbibigay ng ayuda sa 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City | @chonayu1
Photo credit: SAP Bong Go pic.twitter.com/W7cxaTQJUF
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 27, 2018
LOOK: Pinangunahan ni SAP Bong Go ang pagbibigay ng ayuda sa 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at Quezon City | @chonayu1
Photo credit: SAP Bong Go pic.twitter.com/IAeja3hkat
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 27, 2018
The post 500 pamilyang nasunugan sa Navotas at QC, binigyan ng ayuda ng Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar