Bangsamoro Basic Law lusot na sa Kamara
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o House Bill 6475.
Sa botong na 227-YES, 11- NO at 2 na Abstention pumasa sa plenaryo ng Kamara ang BBL.
Nakasaad sa panukala na bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao at papalitan ito ng Autonomous Region of Bangsamoro o ARB.
Sa ilalim nito, wala ng creeping expansion dahil isang beses lamang na magkakaroon plebesito na mangyayari 90 araw hanggang 120 araw matapos malagdaan ng pangulo.
Sa ilalim nito, mananatili sa national government ang kapangyarihan may kaugnayan sa defense, external security, foreign policy, monetary policy, coinage, citizenship, naturalization, immigration, customs at tariff.
Ang puwersa ng militar at pulisya ay mananatili rin sa national government kung saan ang ang italagang pulis at militar sa ARB ay manggagaling sa PNP at AFP subalit maaring mag apply dito ang mga miyembro ng MILF.
Sa usapin naman ng fiscal autonomy, magkakaroon bawat taon ng 5% share sa mga buwis kabilang na ang customs tax ang Bangsamoro Region.
Ang desisyon naman ng Shariah Court ay mananatiling hindi final sapagkat maari pa itong i-apela sa Supreme Court.
The post Bangsamoro Basic Law lusot na sa Kamara appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar