Duterte nagtalaga ng mga bagong opisyal sa kanyang gabinete
Inilabas na ng Malacañang ang mga bagong appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga itinalaga ng pangulo sina retired Vice Admiral Alexander Lopez bilang undersercetary ng Department of Energy.
Bago naitalagang DOE, nagsilbing commander ng Western Command at tagapag-bantay sa West Philippine Sea ang grupo ng opisyal.
Itinaas naman ng pangulo ang posisyon ni Interior and Local Government Asec. Epimaco Densing III bilang bagong undersecretary ng kagawaran.
Pupunan ni Densing ang puwesto ni dating Usec. John Castriciones na itinalaga naman ng pangulo bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform.
Itinalaga rin ng pangulo si Renato Ebarle bilang undersecretary sa Labor Department.
Si Ebarle ay dating undersecretary sa Office of the Executive Secretary noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nare-appoint rin ng pangulo si Dante Ang bilang special envoy para sa International Public Relations maging sina William De Jesus Lima, Fernando Borja, bilang special envoya sa China.
Umaabot naman sa tatlumpu’t tatlong bagong prosecutor din ang itinalaga ng pangulo kung saan labing-apat sa mga ito ay mga babae.
The post Duterte nagtalaga ng mga bagong opisyal sa kanyang gabinete appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar