PhilHealth President Dela Cerna pinasisibak ng isang mambabatas
Hinamon ni Negros Oriental Representative Arnie Teves si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si PhilHealth President Celestina Ma. Jude Dela Serna dahil sa paggamit ng pera ng PhilHealth.
Ayon kay Teves, sa halip na umayos ang pamamahala sa PhilHealth ay lalo pa itong napasukan ng anomalya at sumama ang serbisyo sa pamumuno ni Dela Cerna.
Sinabi ni Teves na ikinagulat niya nang makaharap nila ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Dela Cerna sa isang pulong sa Kamara kung saan inamin nito na isang taon siyang tumira sa hotel.
Sinabi aniya sa kanila ni dela Cerna na wala namang mali sa kanyang ginawang pagtira sa hotel gamit ang pera ng ahensya.
Base sa nakitang resibo ni Teves, tumira ang PhilHealth president sa Legend Villas kung saan P3,800 ang bayad bawat araw.
Dahil dito, naghain ng resolusyon ang mambabatas na maimbestigahan ng Kamara ang mga anomalyang kinakasangkutan ng PhilHealth.
Nauna nang sinita ng Commission on Audit (COA) si Dela Serna dahil sa mahigit P600,000 gastos sa kanyang mga byahe patungo at pabalik ng Tagbilaran, Bohol mula sa Metro Manila.
The post PhilHealth President Dela Cerna pinasisibak ng isang mambabatas appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar