Operasyon ng US sa South China Sea, magpapatuloy – US defense chief
Nagmatigas ngayon ang Estados Unidos at sinabing magpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon sa South China Sea, sa kabila ng pagtutol dito ng Beijing.
Ayon kay US Defense Sec. Jim Mattis, tila labis ang pagiging agresibo ng China sa bahagi ng nasabing karagatan.
Aniya, nakalimutan na raw yata ng China na international water pa rin itong maituturing kaya may karapatan ang anumang bansa na maglayag dito.
“You’ll notice there is only one country that seems to take active steps to rebuff them or state their resentment (to) them, but it’s international waters and a lot of nations want to see freedom of navigation,” giit ni Mattis habang patungo sa Hawaii para sa US Pacific Command.
Nitong nakaraang Linggo nang maiulat ang paglalayag ng dalawang US Navy warships malapit sa South China Sea sa kabila ng paghimok ni President Donald Trump sa Beijing na tumulong sa pakikipag-ugnayan sa North Korea.
Agad namang rumesponde sa ulat ang China na pinayuhan ang mga naturang warship na lisanin ang bisinidad.
Batay sa mga huling lumabas na satellite images, natukoy na nag-deploy ang China ng mga truck at anti-ship cruise missiles na siyang ikinabahala ng mga bansang nakikiagaw sa teritoryo kabilang na ang Pilipinas.
Sa ngayon, ani Mattis, patuloy ang pagtutok ng US diplomats sa issue, gayundin sa mga hakbang ng China na maaaring makaapekto sa relasyon ng mga alyansang bansa.
“When they (Chinese) do things that are opaque to the rest of us, then we cannot cooperate in areas that we would otherwise cooperate in,” dagdag pa ng opisyal.
The post Operasyon ng US sa South China Sea, magpapatuloy – US defense chief appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar