PNP nais na manatiling in-charge sa hanay ng mga pulis ng Bangsamoro

Itinutulak ng Philippine National Police (PNP) na manatili silang in-charge sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Bangsamoro region kapag naipasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ay sa halip na ang magiging pinuno ng Bangsamoro government ang siya ring mamamahala sa hanay ng mga pulis.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, nais nila na manggagaling pa rin ang mga kautusan para sa mga pulis sa National Headquarters sa Camp Crame.

Aniya, gusto nila na magkaroon ng kahit isang regional office sa Bangsamoro region na nasa ilalim pa rin ng PNP.

Sa ilalim kasi ng panukalang BBL, ang chief minister ng Bangsamoro government ang siyang may hawak sa local police na tatawaging Bangsamoro Police.

Pangamba ni Albayalde, baka ma-pulitika ang local police kung ang gobyerno mismo ang hahawak dito.

Dagdag pa ng PNP chief, hindi niya gustong magkaroon ng scenario kung saan wala nang hawak na kontrol ang PNP sa kanilang sariling mga pulis at maging isang malaking private armed group ang mga ito.

Aniya pa, katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtutulak ng naturang amiyenda sa BBL na inaasahang maipapasa sa lalong madaling panahon.

Source link

The post PNP nais na manatiling in-charge sa hanay ng mga pulis ng Bangsamoro appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers