Ceasefire at formal peace talks sa gov’t, asahan na sa Hunyo – Joma

CAUAYAN CITY – Inaasahang magaganap na sa pagpasok ng Hunyo ang pagkakaroon ceasefire agreement para sa formal peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni CPP founder Jose Maria Sison na inaasahang mag-uumpisa ang pormal na usapang pangkapayapaan sa June 28, 2018.

Sa ngayon ay mayroon nang magandang pag-uusap o back channeling sa pagitan ng mga pinuno ng peace panel ng pamahalaan at NDFP.

Pinaplantsa na nila ang mga kailangan para sa bubuuing tatlong interim peace agreement.

Kabilang dito ang ceasefire agreement, pagpapalabas ng proklamasyon na magpapalaya sa mga political prisoners, at pagpirma sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms.

Sinabi ni Sison na magiging kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea sa formal peace talks.

Bago ito, isasagawa sa darating na June 4 hanggang June 10, 2018 ang huling back channel talks.

Inaasahan naman sa June 14 ay magkakaroon ng kasunduan ang pamahalaan at NDFP para sa ceasefire.

Pagkatapos nito ay ang pagpapatupad ng coordinated unilateral ceasefire, susundan ng joint monitoring committee ng magkabilang panig, at magkakaroon ng mga liaison officer na titiyak na masusunod ang ceasefire agreement.

Source link

The post Ceasefire at formal peace talks sa gov’t, asahan na sa Hunyo – Joma appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers