BBL maaring ‘di na sertipikahang ‘urgent’ ni Duterte – Palasyo
Naniniwala ang Malacañang na posibleng hindi na kailangan pang sertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa press briefing sa Bontoc, Mt. Province, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaharap-harap na ang mga mambabatas, Moro leaders at iba pang stakeholders na may kinalaman sa BBL kagabi sa Malacañang, kasama si Pangulong Dutete.
Ayon kay Roque, bagama’t magkaiba ang bersyon ng BBL ng Kamara at Senado, ang mahalaga ngayon ay ang pagkakasundo nilang ipasa ang kani-kanilang bersyon at saka sila magkaisang ayusin sa bicameral conference committte para sa pormal na pagsasabatas nito.
Inihayag ni Sec. Roque na sapat na ang garantiya ng mga Congress leaders para hindi na magsumite ng certification of urgency ang Malacañang para makalusot na ang BBL at maging isa nang ganap na batas.
The post BBL maaring ‘di na sertipikahang ‘urgent’ ni Duterte – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar