Panukalang gawing P750 ang minimum wage inihain ng Makabayan bloc sa kamara

Inihain na ng Makabayan bloc sa kamara ang panukala para sa across the board minimum wage na P750 kada araw sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Base sa House Bill 7787 na inihain ng Makabayan bloc, nais ng mga ito na gawing pare-pareho ang kada araw na sahod ng mga minimum wage earner sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Sinabi ng Makabayan bloc na hindi na uubra ang pagkaka iba ng arawang sahod sa iba’t-ibang lugar dahil sa pare-pareho na naman ang taas sa presyo ng serbisyo at mga bilihin.

Bukod dito, nais din ng grupo na buwagin na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na siyang nagtatakda ng taas sahod sa iba’t-ibang rehiyon.

Sa Metro Manila, P512 ang minimum wage kada araw na ayon sa Makabayan ay hindi sapat lalo na ngayong ramdam na ramdam ang epekto ng TRAIN Law.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang kongreso na bigyang prayoridad ang panukala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

The post Panukalang gawing P750 ang minimum wage inihain ng Makabayan bloc sa kamara appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers