‘Hindi isasantabi ang inputs ng Bangsamoro stakeholders sa final BBL’
Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi ganap na ibabasura ang original version ng expanded Bangsamoro Transition Commission (BTC) para isinasapinal na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Zubiri sa panayam ng Bombo Radyo, naging mabusisi ang mataas na kapulungan ng Kongreso ngunit sinikap nilang hindi mabalewala ang inputs ng BTC at iba pang stakeholders.
Magugunitang inabot ng ala-1:00 ng madaling araw ang paghimay ng Senado sa mahigit 100 pahina ng panukalang batas.
Sa naging proseso, maging ang proper tenses ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga senador.
Sa ngayon, bahala na umano ang Senate contingent sa bicameral conference committee na kinabibilangan nina dating Senate President Koko Pimentel, Sens. Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Minority Leader Franklin Drilon at Zubiri, na siyang majority leader.
Habang sa Kamara ay may 18 kinatawan na itinalaga upang maging parte ng kanilang contingent para sa Bicam.
Ilan sa mga ito ay nagmula mismo sa Bangsamoro area.
The post ‘Hindi isasantabi ang inputs ng Bangsamoro stakeholders sa final BBL’ appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar