Sa taong 2017, mahigit 37,000 na mga pasahero ang hindi pinayagang lumabas ng bansa ng BI
Mahigit 37,000 na mga pasahero ang hindi pinalabas ng bansa noong nakaraang taon. Ayon sa Bureau of Immigration, ito ay sa gitna ng patuloy na kampanya laban sa human trafficking sa iba’t-ibang paliparan at pantalan sa bansa. Sa datos ng immigration operations division, 37, 856 na mga pasahero ang hindi pinayagang umalis noong nakaraang taon hanggang hindi sila sumunod sa requirements sa pag-alis ng mga pilipinong turista alinsunod sa panuntunan na inilabas ng inter-agency council against trafficking. Karamihan sa mga pasahero ay pinigil sa Ninoy Aquino International Airport habang ang iba ay sa mga airports sa Mactan, Clark, Kalibo, Iloilo, Davao at Zamboanga. Ayon sa ahensya, karamihan sa mga hindi pinaalis na pasahero ay nahulihan ng mga pekeng dokumento. Malaking porsyento ng mga pasahero ay planong maging tourist workers sa Middle East habang ang ilan ay papunta sa ibang bansa sa Asya, Europe at North America. ...