ISIS may na-recruit na mga bagong miyembro, muling nagpapalakas – Esperon

DAGUPAN CITY – Tinatayang nasa 150 na umano ang bilang ng mga bagong miyembro ang na-recruit ng mga teroristang grupo na ISIS sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa eksklusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Esperon, bagama’t nagkawatak watak, ang mga miyembro ng ISIS,  muling nagpapalakas at bumubuo ng isang grupo sa pamamagitan ng pagre-recruit.

Aniya, nag-aalok ng malaking halaga ng pera ang mga remnants o tira-tirang miyembro ng IISIS-Daesh na naka­puslit sa Marawi City upang makahanap o makapag-recruit ng mga indibidwal na sasanib sa kanilang pwersa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Esperon na tinututukan ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at maging ng local government units.

Samantala, nilinaw din ni Esperon na hindi lamang sa lungsod ng Marawi nagsasagawa ng massive recruitment ang teroristang grupo kundi maging sa mga kalapit na bayan nito.

Source link

The post ISIS may na-recruit na mga bagong miyembro, muling nagpapalakas – Esperon appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers