Pagpapa-rehistro sa mga bloggers dapat ipatupad ayon kay Pacquiao
Iminungkahi ni Senator Manny Pacquiao na magkaroon ng lisensya o permit mula sa pamahalaan ang mga bloggers upang hindi maabuso ang karapatang sa pamamahayag.
Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ukol sa fake news na pinamumunuan ni Senator Grace Poe, ipinaliwanag ni Pacquiao na kapag hindi nakarehistro ang mga bloggers ay nadadamay iyung mga may mabubuting intensyon.
Giit ni Pacquiao, hindi rin dapat magtago ng pagkakakilanlan ang mga bloggers na malayang nakapagbibigay ng below the belt na banat sa sinuman.
Ayon naman kay Professor JJ Disini ng UP College of Law, ang suhestyon ni Pacquiao ay labag sa Konstitusyon dahil kontra ito sa freedom of speech.
Katwiran naman ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP at ni Communications Secretary Martin Andanar, may mga umiiral ng batas laban sa pagkakalat ng fake news o maling mga impormasyon.
The post Pagpapa-rehistro sa mga bloggers dapat ipatupad ayon kay Pacquiao appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar