Pilipinas, buong mundo inabangan ang ‘super blue blood moon’

Tumutok ang buong mundo sa pambihirang naganap na celestial event na bibihirang mangyari sa kasaysayan.

Namalas ang kakaibang excitement at iba’t ibang sistema na pag-aabang upang masilayan lamang at maging bahagi sa pagtunghay sa tinaguriang super blue blood moon na sinabayan pa ng total lunar eclipse.

Marami ang napa-wow at namangha sa pag-iba ng kulay ng buwan lalo na ang peak nito na nagkulay reddish bago mag-alas-9:30 ng gabi oras sa Pilipinas.

Swerte rin na maraming lugar sa Pilipinas ang maganda ang kalangitan at walang tumakip na kaulapan.

Maging sa Albay kung saan nag-aalburuto ang bulkang Mayon ay marami rin ang umantabay.

Ang astronomical phenomenon na ito ay huling nangyari sa Pilipinas noon pang taong 1982 at susunod na magaganap sa 2037.

Sa United Kingdom ay inabot pa sila ng 150 years bago makita sa wakas ang kakatwang pangyayaring ito na nagmistulang triple lunar treat.

Kuha ni Max Guliani kasama ang Empire State Building dakong umaga sa New York kasabay ng super blue blood moon

Sa paliwanag sa Bombo Radyo ng chief astronomer ng Pagasa na si Engr. Dario dela Cruz, sinabi nito na ang nasabing pangyayari ay nagaganap dahil sa ikalawang full moon sa iisang buwan o ibig sabhin ay blue moon.

Tinawag naman itong supermoon dahil nasa pinakamalapit ang buwan sa mundo.

At binansagan namang blood moon kung saan ang anino ng mundo ay tumakip sa buwan sa panahon ng lunar eclipse.

Source link

The post Pilipinas, buong mundo inabangan ang ‘super blue blood moon’ appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers