Mga pamahiin ‘di totoo kasabay ng ‘super blue blood moon’ at lunar eclipse – Pagasa

Nilinaw ng Pagasa sa publiko na walang katotohanan ang mga lumulutang na mga pamahiin kasabay ng mangyayaring super blue moon at lunar eclipse mamayang gabi.

Una rito, may mga sabi-sabi na kasabay ng isang eclipse, nangyayari rin ang ilang mga superstitious beliefs kagaya ng pagkasira ng ulo ng mga hayop sa pag-uumpisa ng eclipse at maging ito raw ay senyales ng katapusan ng mundo o kaya may epekto sa aktibidad ng bulkan.

Maging sa ibang panig ng daigdig ay umiiral din ang ilang mga paniniwala kung saan ayon sa ilan, makakatulong daw ang isang eclipse sa mga mag-asawa’t magsing-irog sa kanilang pagtatalik.

Pero sa panayam ng Bombo Radyo sa Chief Astronomer ng Pagasa na si Engr. Dario dela Cruz, itinuwid nito ang nasabing mga paniniwala.

(Note: Pls click below for Engr. Dela Cruz voice clip)

PAGASA Space Sciences and Astronomy Section Chief Engr. Dario dela Cruz (DOSTv photo)

Dagdag pa ni dela Cruz, isa umano sa magiging epekto ng paglapit ng buwan sa Earth ay ang pagtaas ng tides.

Kaugnay nito, ani dela Cruz, bagamat mag-uumpisa ang naturang celestial event bandang alas-6:49 mamayang gabi, pinakamaganda umanong oras para mag-observe ay dakong alas-7:48 kung saan mag-uumpisa na ang tinatawag na partial eclipse.

Magsisimula naman umano ang total lunar eclipse mamayang alas-8:51 ng gabi na tatagal naman ng mahigit isang oras.

Matatapos naman ang nasabing astronomical phenomenon dakong alas-11:00 ng gabi.

Mauulit naman aniya ito sa taong 2037.

Source link

The post Mga pamahiin ‘di totoo kasabay ng ‘super blue blood moon’ at lunar eclipse – Pagasa appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers