Pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah sa ilalim ng Federalismo, hindi papansinin ng Malaysia

Tinutulan ng gobyerno ng Malaysia ang planong pagsasama sa Sabah bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Federalismo.

Sa isang pulong balitaan, ipinahayag ni Malaysian Minister of Foreign Affairs YB Dato’ Sri Anifah Haji Aman na hindi kikilalanin at papansinin ng Malaysia ang anumang planong pag-angkin ng kahit anong bansa sa Sabah.

Iginiit ni Anifah na ang Sabah ay kinikilala ng United Nations at ng buong international community bilang bahagi ng Malaysia simula pa noong mabuo ang Malaysian Federation noong September 16, 1963.

Inilabas ng Malaysia ang naturang pahayag matapos sabihin ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na maghahain siya ng panukalang isama ang Sabah bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Federalismo.

Sinabi ni Pimentel na maaaring maging 13th federal state ng bansa ang Sabah.

Gayunman, ang naturang mga pahayag ayon kay Anifah ay kawalan ng kaalaman sa kasaysayan at international law.

Maaari anyang maging balakid ito sa magandang ugnayan na namamagitan sa Pilipinas at Malaysia sa ngayon.

Source link

The post Pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah sa ilalim ng Federalismo, hindi papansinin ng Malaysia appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers