Consultant ng NDF na si Rafael Baylosis inaresto
Inaresto ang isang consultant ng National Democratic Front (NDF) at isa pa niyang kasama at ngayon ay nakakulong sa Camp Crame.
Sa isang statement, kinumpirma ni NDFP National Executive Committee member Luis Jalandoni na dinakip si NDFP Consultant Rafael Baylosis ng mga tauhan ng CIDG-NCR sa Katipunan Road, Quezon City, Miyerkules ng gabi.
Maliban kay Baylosis, sinabi ni Jalandoni na dinakip din ng mga otoridad ang kaniyang kasama na pinalanganan lamang na ‘Jun’.
Kasabay nito, mariing kinondena ng NDFP ang nasabing hakbang at sinabing malinaw itong paglabag sa G RP-NDFP Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Si Baylosis ay miyembro ng NDFP Reciprocal Working Group on Political and Constitutional Reforms.
Nanawagan naman si Jalandoni sa pamahalaan na agad palayain si Baylosis at ang kaniyang kasama.
Samantala, kinondena rin Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes Jr. ang pagdakip kay Baylosis na aniya ay paglabag sa JASIG, at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Ani Reyes, tumulong si Baylosis para sa Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms ng pamahalaan at NDFP na layong matugunan ang suliranin sa armed conflict.
The post Consultant ng NDF na si Rafael Baylosis inaresto appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar