Hindi na kailangan ng bagong batas vs ‘fake news’ – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na sapat na ang mga batas at hindi na kailangan ng bago para labanan ang pagkalat ng “fake news.”

Sinabi ni Communications Assistant Sec. Ana Marie Banaag, ang batas sa libel at laban sa Cybercrime Act ay sapat na kung tutuusin at kailangan lamang maipatupad.

Ayon kay Asec. Banaag, bagama’t opsyon ng lehislatura ang pagpasa ng batas, dapat magkaroon ng malinaw na depinisyon ng “fake news” para alam kung ano ang pinag-uusapan at papaano pagtutulungan sa gobyerno.

Inihayag ni Banaag na sa panig ng Presidential Communications Operations Office, ilan sa kanilang rekomendasyon laban sa “fake news” ay magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng nasa gobyerno lalo sa Department of Education, at Commission on Higher Education kasama ang mga nasa private sector.

Ito ay para mas paigtingin ang kampanya para sa mas responsableng pamamahagi ng impormasyon at ng mga bagay na nababasa ng mga kabataan at lahat po ng mga kababayan.

“Opo. Sa libel at sa cybercrime act po, sapat na po iyon. Kumbaga, i-implement lang po ng mga nag-i-enforce ng mga batas natin. At kung may mga … ang akala po nila ay dehado sila, mag-complain po sila para tingnan natin kung nai-enforce po itong mga batas na ito,” ani Asec. Banaag.

Source link

The post Hindi na kailangan ng bagong batas vs ‘fake news’ – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers