Halos 800 kilo ng frozen meat kinumpiska ng NMIS
Aabot sa halos 800 kilo ng mishandled frozen meat ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service o NMIS sa ginawang pagsalakay sa magkakahiwalay na palengke sa Kalentong, Mandaluyong City.
Unang sinalakay ng mga tauhan ng NMIS ang MCL Lucky Market kung saan sa kanilang ginawang inspection ilang sako ng frozen na karneng baboy at manok ang nakitang nakalagay sa chiller.
Kinumpiska ang mga ito kahit na nakapag pakita ng ‘meat inspection certificate’ ang mga may-ari ng puwesto dahil ayon sa NMIS maaring makontamina ang karne na nakalagay sa chiller.
Ang mga nasabing karne ayon sa mga awtoridad ay puwedeng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng taong kakain nito.
Pinuntahan din ng mga tauhan ng NMIS ang Kalentong Market kung saan nakakumpiska sila ng mga kahon na naglalaman ng mga karne ng baka, baboy at manok.
Sa kabuuan 785 na kilo ang iba’t-ibang karne ang kinumpiska ng NMIS na dinala naman sa kanilang tanggapan sa Quezon City.
The post Halos 800 kilo ng frozen meat kinumpiska ng NMIS appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar