‘Super blue blood moon’ pina-wow ang Phl, buong mundo; top trending din sa social media
Hindi pinalampas ng buong mundo ang pagkakataon na masilayan ang pambihirang super blue blood moon na naganap kagabi.
Nabatid na sa Pilipinas pa lang, dinagsa ng mga Pinoy ang iba’t ibang mga observation centers para makita nang malapitan ang celestial event.
Kagabi ay nagtipon sa Pagasa Astronomical Observatory sa University of the Philippines-Diliman ang mga nagnanais masilayan ang pambihirang astronomical phenomenon.
Maging sa ilang mga parke gaya ng Rizal Park sa Maynila ay bumuhos ang mga pamilya na sabay-sabay sinaksihan ang buwan at ginawa itong oportunidad para maka-bonding ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa Albay, sumabay pa ang pagputok ng bulkang Mayon sa lunar event na kapwa nagpahanga at nagpasindak sa mga residente sa lugar.
Habang ang iba naman ay tumingala na lang sa labas ng kani-kanilang mga tahanan at sa kanilang mga opisina.
Sinamantala rin ng iba nating mga kababayan ang pagkakataon upang kunan ng litrato ang buwan.
Gayundin sa ibang panig ng mundo na kung saan bumaha ng mga pictures ng super blue blood moon sa social media.
Sa katunayan, nag-trending pa sa Twitter ang #SuperBlueBloodMoon kung saan pumalo sa ilang libo ang nag-tweet ng naturang hashtag.
The post ‘Super blue blood moon’ pina-wow ang Phl, buong mundo; top trending din sa social media appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar