Confirmation ni Health Sec. Duque hindi natuloy sa C.A
Hinamon ni Health Sec. Francisco Duque ang kaniyang mga oppositor at kritiko na magsampa ng kaso sa korte at patunayan ang alegasyong may mafia sa loob ng Department of Health.
Sa pagharap ni Duque sa Commission on Appointments ngayong araw, iginiit nito na dapat magpresenta ng ebidensya ang mga nagbibintang na may sindikato sa loob ng ahensya dahil hindi niya hahayaan na madungisan umano ang magandang reputasyon ng DOH.
Bukod dito, sa loob aniya ng tatlo at kalahating buwan mula nang maitalaga siya muli sa DOH ay wala siyang nakikitang senyales o mga dokumento na nagpapakita na may mafia sa ahensya.
Dagdag pa ni Duque, hanggang ngayon ay wala naman ipinakikitang pruweba si ex-DOH Consultant Francis Cruz sa kaniyang mga alegasyon.
Noon pa man aniya ay adbokasiya na ng kalihim ang transparency at good governance at hindi niya hahayaang magkaroon ng korapsyon sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Samantala, pansamantala sinuspinde ang confirmation hearing ni Sec Duque ngayong araw at itatakda ang susunod na pagdinig ng CA.
Ayon kay C.A on Health Chairman Sen. Gringo Honasan, hindi dapat madaliin ang pagdinig at pagkumpirma kay Duque dahil na rin sa maraming nakaatang na responsibilidad sa kalihim ng DOH na dapat din mabusisi.
Iginiit naman ni Honasan na walang kinalaman ang usapin ng Dengvaxia at ang mga usapin na iginigiit ng mga oppositors ng appointment ni Duque sa deferment o suspension ng confirmation hearing ni Duque.
The post Confirmation ni Health Sec. Duque hindi natuloy sa C.A appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar