Faeldon, makapagtrabaho at sasahod pa rin kahit kulong – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na magagampanan pa rin ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kanyang tungkulin sa pamahalaan kahit na nakakulong.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magagampanan ni Faeldon ang trabaho nito bilang deputy administrator ng Office of the Civil Defense (OCD) kahit wala siya sa tanggapan.

Ayon kay Roque, isa namang policy making body ang OCD kaya kahit saan man si Faeldon ay magagawa nito ang kanyang trabaho.

Kahit din nakakulong, tatanggap pa rin si Faeldon ng sahod bilang assistant secretary na salary grade 29 o katumbas ng mahigit P128,000 kada buwan.

Una ng na-contempt ng Senado si Faeldon kaya nakulong kung saan inilipat na ito sa Pasay City Jail.

Ang pag-contempt kay Faeldon dahil umano sa hindi nito pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa P6.4 billion halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) noong commissioner pa ng ahensya si Faeldon.

Source link

The post Faeldon, makapagtrabaho at sasahod pa rin kahit kulong – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers