NDFP umangal sa pag-aresto ng PNP sa ex-CPP chairman Rafael Baylosis

Umaalma si Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief negotiator Luis Jalandoni sa ginawang pag-aresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang consultant na si Rafael Baylosis.

Sa kanyang statement tinawag ni Jalandoni na paglabag daw sa peace agreement at sa kasunduan sa gobyerno sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang muling paghuli kay Baylosis.

Si Baylosis ay dating chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Una nang hinuli kahapon si Baylosis at isa pang kasamahan na nagngangalang “Jun.”

Sinasabing si Baylosis ang unang naaresto sa mga NDF consultants matapos na iutos ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinatigil na rin kasi ng Presidente ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Ideniklara rin ni Duterte bilang mga terorista ang mga NPA.

Sa pahayag ni Atty. Edre Olalia, legal consultant ng NDF sa negotiating panel, sinabi nito na kasalukuyan umanong nakakulong sa headquarters ng CIDG sa Camp Crame sa Quezon City si Baylosis.

Gayunman inaabangan pa ang magiging opisyal na pahayag ng PNP sa nasabing pangyayari.

Source link

The post NDFP umangal sa pag-aresto ng PNP sa ex-CPP chairman Rafael Baylosis appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers