Patuloy na lava flow ng Mayon pagtatapos nang pagputok o patungo sa hazardous eruption?

(Update) LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa panganib na dala sa nagpapatuloy na aktibidad ng bulkang Mayon dahil may nagpupumilit pa ring pumasok sa itinakdang danger zones.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Phivolcs Director Renato Solidum, kahit hindi umano masyadong malalakas ang pagsabog, delikado pa rin ang pananatili sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone gayundin sa 7-km Extended Danger Zone.

Patungo umano kasi sa mga naturang lugar ang paghulog ng malalaking tipak ng bato na kung marami-rami ay mas malayo ang aabutin kagaya noong unang linggo ng mga pagputok.

Dagdag pa ni Solidum, consistent ang pamamaga ng bulkan na indikasyon sa papaakyat na magma gayundin ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng lava o kung minsan ay pyroclastic flow na pinagsama-samang abo, bato at iba pang volcanic materials.

Sa kabila ng maraming volume ng lava na inilalabas mula sa bulkan, hindi pa rin umano maaalis ang posibilidad sa mas malakas na pagsabog.

Samantala, ligtas na umano ang populasyon sa mga apektadong lugar matapos ang isinagawang paglikas ngunit hangad naman ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang full cooperation ng mga ito matapos na mabatid na ilan sa mga residente ang muling bumabalik sa kanilang mga bahay.

Source link

The post Patuloy na lava flow ng Mayon pagtatapos nang pagputok o patungo sa hazardous eruption? appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers