Sinuspindeng opisyal mananatili sa pwesto ayon sa Ombudsman
Mananatili sa kanyang pwesto si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Sa isang pahinang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi niya papayagan na bastusin ng Malacañang ang kanilang mandato sa ilalim ng Saligang Batas.
Ipinaliwanag ni Morales na mayroon nang naging desisyon sa isyu ng Supreme Court kung saan ay sinasabing mayroong independence ang Office of the Ombudsman sa alinmang sangay ng pamahalaan.
Nangangahulugan umano ito na hindi saklaw ng Malacañang ang Office of the Ombudsman.
Tungkulin rin umano ni Morales na protektahan ang Saligang Batas at ito ay magsisimula sa pagbabantay ng sa kalayaan ng kanyang tanggapan.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na kanilang pinatawan ng 90-day suspension order si Carandang dahil sa umano’y paglalabas ng pekeng bank recrods ng pangulo sa publiko.
Nauna na ring itinanggi ng Anti-Money Laundering Council na sa kanyang galing ang mga dokumentong isinapubliko ni Carandang.
The post Sinuspindeng opisyal mananatili sa pwesto ayon sa Ombudsman appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar