Central at Northern Luzon uulanin ngayong araw ayon sa PAGASA

Makararanas ng maulap na papawirin at mga pulo-pulong pag-ulan ang Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley kasama na ang lalawigan ng Aurora ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, ito ay dulot ng pag-iral ng Northeast monsoon.

Ang Ilocos at Central Luzon naman ay apektado rin ng Northeast monsoon at asahan na rin ang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mga pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging maulap hanggang sa maulap na mayroon ding mga pag-ulan.

Magiging maalon naman hanggang sa napakaalon ng karagatan sa Northern Luzon dahil sa malakas na hangin.

Samantala, sa nalalabing bahagi ng Luzon at ang eastern section ng Visayas ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Northeast patungong Silangan na magdudulot ng maalon hanggang sa napakaalong karagatan.
Ang eastern section naman ng Mindanao ay makararanas ng maalong karagatan dahil sa hanging umiiral mula Hilagang-Silangan patungong Hilaga.

Source link

The post Central at Northern Luzon uulanin ngayong araw ayon sa PAGASA appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers