Postingan

Menampilkan postingan dari Maret, 2018

2 batang babae, nalunod sa Pangasinan

Nalunod ang dalawang batang babae sa probinsya ng Pangasinan noong Sabado de Gloria. Ayon sa Pangasinan police, itinakbo pa sa ospital ang apat na taong gulang na babae, residente ng Baguio City, ngunit hindi na kinayanan habang nasa daan. Nalunod ang biktima habang lumalangoy kasama ang pamilya sa swimming pool ng isang resort sa Barangay Turko sa bayan ng Laoac. Sa Sual naman, natagpuan nang walang malay ang isang 10 taong gulang na babae sa ilalim ng pool sa babang parte ng Fila Falls sa Barangay Camagsingalan bandang 2:00 ng hapon. Kasama ng biktima ang kaniyang pamilya para isang salo-salo nang mangyari ang insidente. Dinala ang labi ng biktima sa Labrador Community Hospital. Source link The post 2 batang babae, nalunod sa Pangasinan appeared first on - News Portal Philippines .

Higit 20,000 pasahero, naitala ng PCG sa mga pantalan sa bansa

Hindi bababa sa 20,000 pasahero na ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa. Base sa pinakahuling tala ng PCG mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 kaninang umaga, dumagsa na ang 24,692 pasahero. Mas mababa pa ito sa naitalang bilang na 46,910 pasahero sa huling anim na oras ng Sabado de Gloria. Ayon kay PCG Commander Armand Balilo, inaasahan pa ang pagbuhos ng mga pasaherong pabalik sa Metro Manila ngayong Easter Sunday. Marami aniya sa mga magbibiyahe pasahero ay sakay ng ro-ro mula sa ilang lalawigan. Tiniyak rin ng opisyal na nakaalerto ang PCG para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero bilang parte ng kanilang Oplan Byaheng Ayos: Semana Santa 2018. Source link The post Higit 20,000 pasahero, naitala ng PCG sa mga pantalan sa bansa appeared first on - News Portal Philippines .

PCG, nakaalerto na sa pagbuhos ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila

Mas pinaigting na ang Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa iba’t ibang pantalan ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay. Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila simula ngayong umaga. Bilang pagtutok sa mga PCG districts at stations, regular aniyangj nagsusumite ng ulat at litrato ang kanilang mga personnel para makita ang sitwasyon sa mga pantalan. Nagtalaga na rin ang PCG ng passenger assistance centers kasama ang PCG Auxiliary unit at medical team para gabayan ang mga pasahero. Samantala, inabisuhan ang mga pasahero na pumunta sa mga pantalan tatlong oras bago ang nakatakdang departure time. Iwasan na rin aniyang magdala ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng flammable liquids, toxic at infectious substances, radioactive materials at pagpasabog. Pinaalalahanan rin ng PCG ang mga pasaherong magbbiyahe sa barkong may open decks na sumunod sa pagsusuot ng life jackets. Source link The post PCG, na...

Bilang ng mga debotong bumista sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine, umabot sa 3M

Hindi bababa sa tatlong milyong deboto ang bumisita sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine sa bayan ng Lucban sa Quezon province ngayong Semana Santa. Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Fr. Joey Faller, healing priest at administrador ng naturang shrine, umabot ng 3.2 million ang mga bumisitang deboto sa kilalang limang ektaryang religious complex sa Barangay Tinamnan mula noong Linggo ng Palaspas hanggang Biyernes Santo. Mas mataas aniya ng 600,000 na deboto ang bumisita ngayong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon. Ayon naman kay PCInsp. Alejandro Onquit, hepe ng Lucan Municipal Police Station, nahirapan ang mga nakatalagang pulis sa walang tigil na pagdating ng mga deboto lalo na noong Biyernes Santo. Dagdag pa aniya rito ang mahabang pila ng mga paparating na kotse sa lugar. Samantala, sinabi ni Fr. Faller na inaasahan pa ang pagdagsa ng mga deboto hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay kung saan posible pang pumalo sa 3.8 million. Source link The post Bilang ng mga debotong bumista sa ‘...

PNP sa mga magulang: ‘Bantayan ang mga anak, NPA nagre-recruit sa mga student orgs’

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang na bantayan ang mga aktibidad ng kanilang mga anak sa summer break. Kasunod ito ng mga ulat na napasok na umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang ilang mga student organizations sa mga paaralan at unibersidad. Ayon kay PNP spokesman C/Supt. John Bulalacao, namataan daw kasi ang ilang mga college students na kasama ng mga kasapi ng rebeldeng grupo sa iba’t ibang mga lugar sa bansa na itinuturing na teritoryo ng NPA. “The Philippine National Police discourages students from venturing into insurgency-affected areas to join summer off-campus activities that are organized by groups that may have been infiltrated by front organizations of the terrorist CPP-NPA,” saad ni Bulalacao sa isang pahayag. Sa ilang pagkakataon daw kasi, sumasama ang mga estudyante sa ginagawang pananalakay o pananambang ng mga bandidong grupo sa puwersa ng gobyerno. Kaya naman, wika ni Bulalacao, dapat na maty...

Duterte sa kanyang Easter message: Maging mapagpakumbaba, tulungan ang kapwa

Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananampalatayang Katoliko na maging mapagpakumbaba at mapagpatawad kasabay ng paggunita sa Easter Sunday. Sa kanyang mensahe ngayong Pasko ng Pagkabuhay, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagiging mabuti ang paraan para masabing karapat-dapat ang isang tao para sa pagmamahal ng Diyos. “As we remember Christ’s triumph against death, may we nurture humility and forgiveness in our hearts as these will free us from the shackles of hatred and greed. For it is only by being selfless that we can truly say we are worthy of God’s love,” wika ni Pangulong Duterte. Kasabay nito, hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na tulungan ang kapwa, lalong-lalo na ang mga nangangailangan. “Let us make this occasion more meaningful by offering aid to others, especially to those in need. Let us pray for the welfare and safety of our countrymen and for lasting peace in our nation so that we can all work together in harmony towards real change...

Chinese national patay, 3 iba pa sugatan sa aksidente sa Quezon

Patay ang isang Chinese National habang sugatan ang tatlong iba pa makaraang mahulog sa bangin ang knilang sasakyan sa Pagbilao, Quezon. Naganap ang akisdente sa Maharlika Highway Biyernes ng gabi Aksidenteng nahulog sa bangin na 10-feet ang lalim ang Toyota Fortuner na sinasakyan ng mga biktima. Nabatid na patungo ng Maynila ang sasakyan na minamaneho ni Manuel Ramos nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa pakurbadang bahagi ng daan. Ayon sa Quezon police provincial office, agad dinala sa Jane County Hospital ang mga sakay ng Fortuner. Gayunman, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Chinese national. Kinilala ni Dennis Ong, interpreter ng mga Chinese victims, ang nasawi na si Hui Mao, 46, anyos at mula sa Fujian China.               Source link The post Chinese national patay, 3 iba pa sugatan sa aksidente sa Quezon appeared first on - News Portal Philippines .

Mahigit 6,500 na katao naasistihan ng Philippine Red Cros sa iba’t ibang panig ng bansa

Umabot na sa 6,587 na indibidwal ang nassistihan ng Philippine Red Cross (PRC) sa paggunita ng Semana Santa sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa datos ng PCG, Sabado ng umaga, karamihan sa nabigyan ng tulong medikal ay mga nagpa-BP. Labinganim naman na katao ang inasistihan matapos malunod. Habang 9 ang dumaing ng hirap sa paghinga o paninikip ng dibdib. Nasa 354 naman ang mga nagtamo ng maliit na sugat o pasa at dumaing ng pagkahilo. Mananatili ang mga red cross stations sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang sa.mga makabalik ang mga nagbakasyong indibidwal.       Source link The post Mahigit 6,500 na katao naasistihan ng Philippine Red Cros sa iba’t ibang panig ng bansa appeared first on - News Portal Philippines .

P11M halaga ng shabu nasabat sa isang security guard sa Cebu

Nasabat ng mga tauhan otoridad ang aabot sa P11 milyon halaga ng shabu mula sa isang drug suspect sa Cenu City. Isinagawa ang joint anti-drug operation sa Bontorres St., Barangay Basak sa San Nicholas. Kinilala ang naarestong suspek na si Mario De Jesus, 34 anyos isang security guard na nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya sa lungsod. Nakuha mula sa suspect ang apat na malalaking pakete ng shabu, P15,000 na boodle money at P8,000 na kita sa pagbebenta ng shabu. Ayon kay Chief Insp. Henrix Bangcoleta, station commander bg Punta police precinct, dalawang linggong isinailalim sa surveillance si De Jesus Matapos ang surveilance nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek. Ayon kay De Jesus sa kaniyang pinsan nagmula ang shabu. Nakakulong ngayon sa Punta Princessa police precinct amg suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kaniya.           Source link The post P11M halaga ng shabu nasabat sa isang security guard sa Cebu appeared first o...

DBP magbubukas ng Sabado sa susunod na dalawang linggo para tumanggap ng tax payments

Dahil sa mahaba-habang bakasyon para sa Holy Week, magbubukas ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng mas mahabang oras sa susunod na mga araw. Ito ay para mas mabigyan ng tsansa ang mga magbabayad ng kanilang buwis. Batay sa abiso ng DBP, lahat ng kanilang branch sa buong bansa ay magbubukas ng April 7 at 14 na kapwa araw ng Sabado. Habang simula sa April 2 hanggang sa April 16 ay palalawigin nila ng hanggang alas 5:00 ng hapon ang kanilang banking hours. Ang DBP ay authorized agent bank ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Pinayuhan naman ng DBP ang mga taxpayer na magbayad ng mas maaga ng kanilang income tax returns at huwag nang hintayin pa ang last minute rush.               Source link The post DBP magbubukas ng Sabado sa susunod na dalawang linggo para tumanggap ng tax payments appeared first on - News Portal Philippines .

All-time high record sa bilang ng pasahero, naitala sa Clark Airport ngayong Marso

Nakapagtala ng all-time high record ang Clark International Airport sa bilang ng mga dumagsang pasahero. Sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr), as of March 30, 2018, umabot na sa 207,327 ang naitatalang pasahero sa Clark Airport ngayong buwan. Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga dumagsang pasahero ngayong March 31, 2018 na sa pagtaya ay nasa 6,000 ang bilang. Mas mataas ito kumpara sa 199,292 na naitala noong January 2018. Ayon sa DOTr, kung magpapatuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa nasabing paliparan, maaring ma-break ang 2017 all-time high record ng mga pasahero sa Clark. Noon kasing 2017, umabot sa 1.5 million na mga pasahero ang naitala na bumiyahe sa Clark International Airport.                   Source link The post All-time high record sa bilang ng pasahero, naitala sa Clark Airport ngayong Marso appeared first on - News Portal Philippines .

20,000 katao dadagsa sa Easter Sunday event sa Cebu

Inaasahang aabot sa 20,000 katao ang dagdagsa para dumalo at saksihan ang tauhanang “Sugat Kabanhawan” sa bayan ng Minglanilla sa Cebu sa Easter Sunday. Ayon kay Marvey Caño, artistic director ng event, mas magiging magarbo ang pagtatanghal ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. Aabot sa 300 mga batang gaganap na anghel ang masasaksihan sa ritual presentation ng muling pagkabhay ni Hesukristo. Walong grupo din ng mga mananayaw ang lalahok naman sa Sugat Kabanhawan Festival Linggo ng tanghali. Naglaan ng P4.8 million na pondo ang municipal government ng Minglanilla para sa nasabing okasyon. Ayon naman kay Police Chief Insp. Verniño Noserale ng Minglanilla police station magtatalaga sila ng 250 na security personnel para matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo.         Source link The post 20,000 katao dadagsa sa Easter Sunday event sa Cebu appeared first on - News Portal Philippines .

BIFF bomber patay sa engkwentro sa mga pulis sa North Cotabato

Patay ang isang hinihinalang bomber na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) makaraang maharang ng mga pulis habang patungo sa North Cotabato para isagawa ang kaniyang pambobomba. Kinilala ni Supt. Bernard Tayong ng North Cotabato police ang suspek na si Bads Basilan. Ayon kay Tayong, si Basilan na residente ng Barangay Kudarangan sa bayan ng Midsayap ay sakay ng kaniyang motorsiklo nang harangin ng mga pulis dahil walang plaka ang sasakyan. Sinabi ni Sr. Insp. Edwin Abantes, hepe ng Aleosan police, ang kaniyang mga tauhan na nagsasagawa ng checkpoint ang pumara kay Basilan sa Barangay Dualing. Pero sa halip na huminto, bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad at saka mabilis na pinaandar ang motorsiklo. Agad naman siyang pinaputukan ng mga pulis dahilan para magtamo siya ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na kaniyang ikinasawi. Isinugod pa sa Aleosan District Hospital si Basilan pero nasawi ito habang nasa daan. Nabatid na si Basilan ay...

LTFRB nakaalerto laban sa mga isnaberong taxi driver

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila, nakaalerto na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga isnaberong taxi driver. Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada nakasentro na ngayon ang kanilang National Capital Region (NCR) office sa malaking bilang ng mga pasaherong babalik mula sa mga lalawigan. Nagtalaga na din ng mga tauhan ang LTFRB sa mga bus terminal sa Quezon City at Pasay City upang masiguro na hindi mamimili ng pasaherong isasakay ang mga driver ng taxi. Kaugnay nito ay binalaan ni Lizada ang mga mangongontratang taxi driver na maari silang maireklamo at maparusahan.                                 Source link The post LTFRB nakaalerto laban sa mga isnaberong taxi driver appeared first on - News Portal Philippines .

Pep Squad ng Adamson University wagi ng gintong medalya sa kompetisyon sa Singapore

Nagwagi ng gintong medalya ang Pep Squad ng Adamson University sa Asia Cheerleading Invitational Championships 2018 na ginanap sa Singapore ngayong Sabado, March 31. Sa Facebook page, inanunsyo ng Adamson University ang tagumpay ng kanilang cheering squad sa Pom Division. Ang Asia Cheerleading Invitational Championships (ACIC) ay kompetisyon na bukas para sa lahat ng international teams sa mundo. Mayroon itong iba’t ibang age divisions sa cheer levels at freestyle pom. Magugunitang noong nakaraang taon, ang AdU Pep Squad ang itinanghal na UAAP Cheerdance Competition champions.             Source link The post Pep Squad ng Adamson University wagi ng gintong medalya sa kompetisyon sa Singapore appeared first on - News Portal Philippines .

Pope Francis: Death penalty, hindi makatao at ‘unchristian’

ROME – Binigyang-diin ni Pope Francis na dapat mabasura na ang death penalty bilang parusa sa mga nagkakasala sa batas dahil hindi ito Kristiyano o makataong gawa. Ginawa ng Santo Papa ang mensahe sa kanyang paghuhugas at paghalik sa paa ng 12 presong kinabibilangan ng dalawang Muslim at Buddhist bilang bahagi ng “washing of the feet ritual” sa paggunita ng Semana Santa. Kabilang din sa hinugasan ng paa ng Santo Papa ang dalawang Pilipino, taga-Morocco, Moldavia, Colombia at Sierra Leone. Sinabi ni Pope Francis na anumang parusa na nagtatanggal sa pag-asa ng isang bilanggo para magbagong buhay ay hindi gawaing Kristiyano at hindi makatao. Ayon kay Pope Francis, dapat mabigyan ng pagkakataon ang taong nagkasala na magsisi at magbagong buhay kaya hindi nararapat ang parusang kamatayan. Mula nang mahalal bilang Santo Papa noong 2013, ilang beses ng nanawagan si Pope Francis para sa pagbabawal sa buong mundo ng pagpataw ng parusang kamatayan, bagay na umani ng kritisismo partikular mu...

7 kabilang ang 1 babae, nagpapako sa krus sa Pampanga

Gambar
Actual crucifixions in Brgy. San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga (Photo from Wikipedia and Barrera Marquez) Itinuloy ng pito katao ang pagpapapako sa krus sa Brgy. San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga, nitong nakalipas na Biyernes Santo, sa kabila ng pagkontra ng simbahang Katolika at mahigpit na mga paalala ng Department of Health (DoH). Ilan sa mga ito ay nagmula pa sa malalayong lugar, ang iba ay regular nang sumasali sa aktibidad, habang isang babae naman ang naglakas-loob na lumahok din sa taunang crucifixion. Nakilala ang ginang na si Mary Jane Sazon, 39, namamasukan sa isang beauty parlor. Habang ang taon-taong nagpapapako na si Ruben Enaje, 58, ay wala na raw gaanong sakit na nararamdaman. Kung dati raw ay hirap siyang makakilos noong mga unang taon nang pagsali sa crucifixion, ngayon ay magaan na sa kaniyang pakiramdam at hindi na rin kumikirot ang sugat sa kamay. Una rito, sinabi ni barangay secretary Vener Simbulan sa panayam ng Bombo Radyo na may sapat naman s...

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Eastern Samar, madaling araw ng Biyernes Santo, March 30. Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig sa Borongan City. Naganap ang lindol ala 1:21 ng madaling araw. Naramdaman ang sumusumod na intensities bunsod ng nasabing lindol: Intensity IV: – Borongan City Intensity III: – Lorente, Maydolong, Salcedo, San Julian, Sulat, Eastern Samar Instrumental Intensities: Intensity V: – Borongan City Intensity III: – Catbalogan City Intensity II: – Palo, Leyte Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.           Source link The post Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol appeared first on - News Portal Philippines .

12 preso kabilang ang Pinoy, hinugasan ng paa ni Pope Francis

Hinugasan at hinalikan ni Pope Francis ang paa ng 12 preso mula sa bilangguan sa Roma sa idinaos na Holy Thursday ritual. Sa kaniyang misa binanggit din ng Santo Papa na dapat iabolish ang death penalth dahil ito ay inhumane. Ito na ang ikaanim na taon na sa bilangguan ginagawa ng Santo Papa ang paghuhugas ng paa sa halip na sa Rome Basilica. Ngayong taon kabilang sa mga preso na hinugasan ng paa ni Pope Francis ay mula sa Italy, Pilipinas, Morocco, Moldavia, Colombia at Sierra Leone. Walo sa kanila ay Katoliko habang isa ang Orthodox Christian, dalawang Muslim at isang Buddhist. Ang nasabing mga bilanggo ay nakakulong sa Regina Coeli jail sa Roma. Ngayong Biyernes Santo, pangungunahan ni Pope Francis ang Via Crusis o Way of the Cross procession.             Source link The post 12 preso kabilang ang Pinoy, hinugasan ng paa ni Pope Francis appeared first on - News Portal Philippines .

Pope Francis ooperahan sa katarata sa susunod na taon

Ibinunyag ni Pooe Francis na siya ay mayroong katarata at nakatakdang operahan sa susunod na taon. Sa kaniyang pagbisita sa bilangguan sa Roma, nabanggit ng Santo Papa ang pagkakaroon niya ng katarata nang magpahayag ang direktor ng bilangguan hinggil sa pangangailangan na maging “far-sighted” sa rehabilitasyon ng mga preso. Ayon kay Pope Francis, sa kaniyang edad na 81, mayroon na siyang katarata at maaring maoperahan sa susunod na taon. Mula nang maging Santo Papa ay hindi pa naoospital si Pope Francis. Naging maganda din sa pangkalahatan ang kondisyon ng kaniyang kalusugan.             Source link The post Pope Francis ooperahan sa katarata sa susunod na taon appeared first on - News Portal Philippines .

Bilang ng mga bumibiyahe sa mga lalawigan, nababawasan na ayon sa Coast Guard

Nababawasan na ang naitatalang pasahero ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa. Sa monitoring ng Coast Guard sa pagpapatuloy ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018, mula alas 12:00 ng hantinggabi hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, March 30, umabot na lang sa mahigit 7,000 ang naitalang pasahero sa mga pantalan. Pinakamaraming naitalang outbound passengers ngayong Biyernes Santo sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot sa 2,277. Sinundan naman ito ng Western Visayas na nakapagtala ng 1,196 na pasahero at Northern Mindanao na mayroong naitalang 1,088 na pasahero, at ang Southern Visayas na mayroong 1,070 na pasahero. Ayon sa Coast Guard sa pangkalahatan ay mapayapa ang sitwasyon sa lahat ng pantalan sa bansa at walang naitatalang unusual o untoeard incidents ngayong Semana Santa.                   Source link The post Bilang ng mga bumibiyahe sa mga lalawigan, nababawasan na ayon sa Coast Guard ...

China sa ICC: Wag mapulitika, igalang soberenya ng Phl

Hinikayat ng China ang International Criminal Court (ICC) na huwag pagamit sa pulitika matapos kumalas ang Pilipinas sa tribunal sa harap ng ginagawa nitong imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa madugo nitong anti-drug war. Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang, dapat igalang ng ICC ang soberenya ng mga bansa lalo sa […] The post China sa ICC: Wag mapulitika, igalang soberenya ng Phl appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post China sa ICC: Wag mapulitika, igalang soberenya ng Phl appeared first on - News Portal Philippines .

Taunang “Buhing Kabyaryo” sa Cebu, dinagsa ng publiko

Dinagsa ng mga tao ang taunang “Buhing Kalbaryo” play sa Cebu City ngayong Biyernes Santo, March 30, 2018. Sa pagtaya ng San Nicolas police Station sa Cebu City, umabot sa 2,000 kaao ang nagtipon-tipon sa pagsisimula ng aktibidad alas 10:00 ng umaga. Nagtalaga naman ng sapat na bilang ng mga tauhan ang nasabing istasyon ng pulisya para magpanatili ng peace and order sa lugar. Ang Buhing Kalbaryo na ginanap sa San Nicolas Parish Church ay pagpapakita ng huling mga araw ni Hesukristo bago ang kaniyang pagkamata sa kalbaryo. Ang play ay kinabibilangan ng mga performers at production members mula sa iba’t ibang barangay ng Cebu City.             Source link The post Taunang “Buhing Kabyaryo” sa Cebu, dinagsa ng publiko appeared first on - News Portal Philippines .

Leyte niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Abuyog sa lalawigan ng Leyte. Naitala ang lindol sa 11 kilometers north ng Abuyog alas 8:33 Biyernes ng umaga, March 30. Ayon sa Phivolcs, may lalim na 12 kilometers ang lindol at tectonic ang origin. Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II sa Borongan City. Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.             Source link The post Leyte niyanig ng magnitude 3.6 na lindol appeared first on - News Portal Philippines .

Cardinal Tagle: Good Friday, selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhang ipinamalas ni Hesus

Ipinahayag ngayon ni Manila Arbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ipinapamalas sa atin ng Biyernes Santo o Good Friday ang “dark side” o madilim na bahagi ng sangkatauhan. Sa kanyang repleksyon, sinabi ni Cardinal Tagle na ang “dark side” na ito ng sangkatauhan ay siyang nagtutulak sa atin sa kasamaan, ang pagpatay maging sa mga inosente. Pero ayon kay Cardinal Tagle, ang Good Friday din ay selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhan na ipinakita ni Hesukristo. Ipinaubaya umano ni Hesus ang kanyang sarili sa isang marahas na kamatayan para sa katuparan ng dakilang misyong mailigtas ang sangkatauhan. Pinatunayan umano ni Hesus ang kakayahan ng puso ng tao na magmahal kahit kinamumuhian, manatiling tapat kahit pa trinaydor o pinagtaksilan at umasa sa gitna ng kawalan ng pag-asa. Ngayong Good Friday din umano, ang kabutihan ay nagtagumpay laban sa kasamaan. Source link The post Cardinal Tagle: Good Friday, selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhang ipinamalas ni Hesus appeared fir...

12 preso kabilang ang 2 Filipino nahugasan ng paa ni Pope Francis

Isinagawa ni Pope Francis ang tradisyonal tuwing Semana Santa na paghuhugas ng paa sa Regina Coeli prison sa Rome. Binubuo ng 12 piling inmates mula sa Italy, Pilipinas, Morocco, Colombia, Moldova, Sierra Leone at Nigeria. Ang ilan sa mga nahugasan ng paa ay dalawang Muslim, isang Orthodox Christian at Buddhist. Sinabi nito sa mga nakakulong na ang bawat isa ay pagkakataon na magbago ng buhay at walang karapatan ang bawat isa na manghusga. Sa tradisyon kasi isinasagawa ang paghuhugas ng paa tuwing Maundy Thursday na gumugunita sa Last Supper ni Hesus Kristo sa kaniyang mga disipulo. Mula noong ito ay maupo bilang Santo Papa noong 2013 ay isinasagawa na niya ang paghuhugas ng paa sa labas ng Vatican. Sa unang taon niya ay isinagawa ito sa youth detention center, noong 2014 naman ang mga paa ng mga may-edad at may kapansanan. Noong 2015 ay isinagawa nito sa isang kulungan, 2016 sa migrant reception center at noong nakaraang taon ay sa Paliano Jail sa labas ng Roma. Source link T...

Alert status ng Bulkang Mayon, ibinaba na sa level 2 ng PHIVOLCS

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Bulkang Mayon sa level 2. Sa bulletin ng PHIVOLCS na inilabas Huwebes Santo ng umaga, ibinaba na ang alert status ng bulkan dahil sa nabawasan na ang pagpapakita nito ng aktibidad. Kabilang sa nabawasan ay ang crater glow ng bulkan at mula noong March 18 ay hindi na muling nakapagtala ng lava effusion. “The decline in observable surface parameters is consistent with the cessation of magma supply to the shallow levels of the volcanic edifice,” ayon sa PHIVOLCS. Kaugnay nito inatasan na ni Albay Gov. Al Francis Bichara, ang lahat ng local government sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, at Tabaco City na pauwiin na ang mga evacuees. Mayroon pa kasing nasa 1,300 na pamilya ang nananatili sa ilang evacuation centers sa Albay.       Source link The post Alert status ng Bulkang Mayon, ibinaba na sa level 2 ng PHIVOLCS appeared first on - News Portal Philippines ....

LRTA sinimulan na ang maintenance sa mga tren ng LRT-2

Ngayong Huwebes Santo ang unang araw ng maintenance activities ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa LRT line 2. Kabilang sa mga isasailalim sa maintenance ay ang mga bagon ng tren, mga riles, electrical system at iba pang mga pasilidad sa bawat istasyon ng tren. Layon ng maintenance activities ang matiyak na maayos na nag-ooperate ang mga tren at ligtas ang mga pasahero nito. Ang LRT-2 ay biyaheng Santolan – Recto at pabalik. Mananatiling walang biyahe ang LRT-2 hanggang sa April 1, Easter Sunday at babalik sa normal ang operasyon nito sa Lunes, April 2.                 Source link The post LRTA sinimulan na ang maintenance sa mga tren ng LRT-2 appeared first on - News Portal Philippines .

DOTr Sec. Tugade ininspeksyon ang ginagawang maintenance sa MRT-3

Nagsagawa ng inspeksyon si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang nagpapatuloy na maintenance sa MRT-3. Kasama ni Tugade na nagsagawa ng inspeksyon umaga ng Huwebes Santo sina DOTr Usec. for Railways TJ Batan, MRT-3 General Manager Rudy Garcia, at MRT-3 Director for Operations Mike Capati. Nadismaya naman si Tugade nang makita ang hindi maayos na records at inventory keeping nang magtungo ito sa warehouse ng spare parts ng MRT-3. Pinagsabihan pa ni Tugade ang mga tauhan ng MRT sa warehouse at inatasang agad ayusin ang sistema ng records keeping. Aniya sa nasabing record malalaman kung kulang o nag-oover oder ng mga spare parts ng tren kaya kailangang maayos at organisado ang record. Pagkagaling sa warehouse at sa depot ay pinuntahan naman ni Tugade ang main line ng MRT-3 para tignan din ang ginagawang maintenance.               Source link The post DOTr Sec. Tugade ininspeksyon ang ginagawang maintenance sa MRT-3 ap...

Cardinal Tagle: ‘Makiisa sa paglalakbay ng kapwa, lalo ang mga inabuso, inapi, sinaktan’

Hinikayat ngayon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na tumugon sa paanyaya ni Hesukristo na “gawin niyo ito sa pag-alaala sa akin” sa pamamagitan ng pakikipaglakbay sa ating kapwa lalo ang mga biktima ng pang-aabuso, pagmamalupit, karahasan, pang-aapi, mga biktima ng trafficking na ibinebenta bilang alipin. Sa kanyang homily o sermon sa Lord’s Supper Evening Mass sa Manila Cathedral, sinabi ni Cardinal Tagle na samahan at akayin natin ang mga kapatid natin sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkamit ng bagong buhay. Ayon kay Cardinal Tagle, ang mensahe ngayong Holy Thursday sa atin ni Hesus ay pagsilbi sa ating kapwa at pagmamahal sa kanila ng wagas at bukal sa ating mga puso gaya ng kanyang ginawa. Matapos ang kanyang homily, isinagawa ni Cardinal Tagle ang “washing of the feet” o paghuhugas ng paa sa 12 piling katao gaya ng ginawa noong ni Hesus sa kanyang 12 disipulo. Una sa hinugasan at hinalikan pa sa paa ni Cardinal Tagle ang mag-asawang si...

5 arestado, mga gamit sa blast fishing nasabat sa Bataan

Naaresto ng mga tauhan Philippine Coast Guard sa Limay Bataan ang limang katao matapos makuhaan ng mga pampasabog na ginagamit sa illegal na pangingisda. Kinilala ang mga naaresto na sina: • Analyn Leola San Miguel, 37 taong gulang • Oliver San Miguel, 35 taong gulang • Arthur Paguio, 44 na taog gulang • Teresita Macapagal, 66 na taong gulang • Marife Dela Cruz, 24 na taong gulang Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard Station Bataan, Coast Guard Intelligence Force, Coast Guard K9 force, Coast Guard Special Operation Force, Coast Guard Legal Service at mga Student-Lawyers mula sa Coast Guard Education and Training Command. Nasabat mula sa limang naaresto ang mga improvised na pampasabog, amonium nitrate, time fuse, at blasting caps. Ang limang dinakip ay pinaniniwalaang sangkot sa paggawa at pagtatago ng mga pampasabog. Nasa ilalim pa ng kostodiya ng PCG ang lima habang inihahanda pa ang kaso na isasampa laban sa knila.       ...

Lider ng South at North Korea, magsasagawa ng summit sa susunod na buwan

Sa bibihirang pagkakataon isasagawa ang summit sa pagitan ng mga lider ng South at North Korea sa susunod na buwan. Ang summit ay tinawag na “2018 South-North summit” na gaganapin sa April 27 sa Peace House sa Panmunjom sa South Korea. Ang panibagong development ay kasunod ng pagtungo sa Pyongyang ng matataas na opisyal ng SoKor kung saan nakapulong at nakasama nila sa salu-salo si Kim Jong Un. Kapwa nagkasundo ang lider na isagawa ang summit base sa inilabas nilang joint press statement. Sa sandaling maisakatuparan, si Kim ang magiging kauna-unahang North Korean leader na tutuntong sa South Korea mula nang matapos ang Korean War. Sa susunod na linggo, pagpupulungan ang usapin tungkol sa protocol at security sa magaganap na summit.               Source link The post Lider ng South at North Korea, magsasagawa ng summit sa susunod na buwan appeared first on - News Portal Philippines .

4 sugatan sa aksidente sa Cagayan De Oro City

Nasugatan ang apat na katao kabilang ang tatlong bata matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cagayan De Oro City. Naganap ang aksidente Huwebes ng madaling araw sa Barangay Mambuaya. Hindi pa nakikilala ang mga nasugatang biktima pero tatlo sa mga ito ay pawang bata at nasa kritikal na kondisyon. Kasalukuyan silang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center. Ayon sa inisyal na ulat, minamaneho ng isa sa mga biktima ang motorsiklo sakay ang tatlong bata patungong Cagayan de Oro. Nagulat na lamang ang mga saksi nang bigla itong bumangga sa lupa na nakatambak sa daan at saka sinalpok ang isang nakaparadang multicab sa kalsada. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na aksidente.       Source link The post 4 sugatan sa aksidente sa Cagayan De Oro City appeared first on - News Portal Philippines .

CBCP: ‘Let us bring ourselves closer to the Lord this Lent’

Hinikayat ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na samantalahin ang natitirang panahon ng Lenten season para ilapit ang ating mga sarili sa Panginoon. Sinabi ni Davao Archbishop at CBCP President Romulo Valles, hanggang ngayong maghapon (Holy Thursday) na lamang ang panahon ng kuwaresma dahil sa Mass of the Lord’s Supper mamayang gabi, magsisimula na ang selebrasyon ng Easter Mysteries. Ayon kay Bishop Valles, umaasa siyang matapos ang pakikibahagi at pagdarasal kasama ang Simbahan sa Lenten liturgy, sa mga sakramento lalo sa Sacrament of Reconciliation, pakikinig sa mga salita ng Diyos at pagtanggap ng Eukaristiya, naging mas malapit na tayo sa Panginoon. Ipinaalala din ng obispo ang tunay na diwa ng paglilimos sa mga nangangailangan kung saan hindi nagbibigay ng sobra lamang sa anong meron tayo, kundi pagbibigay ng bahagi ng ating yaman, maging ng ating mga sarili. Iginiit ni Bishop Valles na sa pamamagitan ng paglilimos, nailalay...

PNR isinailalim na din sa maintenance

Inumpisahan na rin ang maintenance sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR). Maliban sa mga tren, kabilang din sa isasailalim sa pagkukumpuni at pagsasaayos habang walang biyahe ang tren ngayong Semana Santa ay ang mga riles nito. Ayon sa PNR, nakatakdang palitan ang rail tracks at railway sleeper ng tren sa kahabaan ng Manila division sa pagitan ng Calamba at Tutuban stations. Wala ring biyahe ang PNR ngayong Holy Week at muling babalik sa normal ang operasyon sa Easter nSunday, April 2, 2018. Magugunitang noong nakaraang linggo, dalawang magkasunod na aberya ang naranasan ng mga pasahero sa biyahe ng PNR.         Source link The post PNR isinailalim na din sa maintenance appeared first on - News Portal Philippines .

Inter-Parliamentary Union, ignorante sa kaso vs De Lima – Palasyo

Ipinapakita lamang umano ng Inter-Parliamentary Union (IPU) ang pagiging ignorante nito sa justice system sa Pilipinas kasunod ng kanilang resolusyong nagpapahayag ng pagkabahala sa patuloy na paglilitis at pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, dapat mag-aral muna ang IPU para maunawaan ang kaso laban kay Sen. De Lima at mapagtanto ang due process na ibinibigay ng estado sa senadora. Ayon kay Sec. Panelo, isang “competent court judge” ang naglabas ng warrant of arrest matapos makakita ng probable cause sa drug-related case na kinakaharap ni Sen. De lima. Iginiit ni Panelo na patunay itong walang nakatataas sa batas kahit pa isang senador ng bansa. Ang paggigiit daw ng IPU na dapat makibahagi si De Lima sa Senate deliberations ay tahasan at mapangahas na panghihimasok sa internal affairs ng estado at paglapastangan sa soberenya ng bansa. “The IPU’s resolution reiterating its concern to the continued trial and detenti...

Anti-colorum operations, maigting at walang humpay – Palasyo

Tiniyak ngayon ng Malacañang na hindi “ningas cogon” o sa simula lamang maigting ang kampanya ng administrasyon laban sa mga colorum na pampasaherong sasakyan sa buong bansa. Sinabi sa Bombo Radyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi titigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahuli sa mga colorum na sasakyan at pagpapaaresto sa mga driver at operator nito hangga’t hindi sila nauubos sa mga lansangan. Ayon kay Sec. Roque, may “political will” si Pangulong Duterte para totohanin ang kanyang binibitawang pangako, taliwas sa mga nagdaang administrasyon. Kasabay nito, muling binalaan ni Roque ang mga mananakay lalo ang mga uuwi sa mga lalawigan ngayong Holy Week na iwasang sumakay sa mga colorum na bus. Wala daw aasahang proteksyon o insurance ang mga pasaherong sakay ng colorum na bus o dyip sakaling magkaaberya. Source link The post Anti-colorum operations, maigting at walang humpay – Palasyo appeared first on - News Portal Philippines .

China magsasagawa na ng regular na combat exercise sa West Phil. Sea?

Magsasagawa ng buwanang combat exercise ang Chinese Military sa South China Sea. Ito ang kinumpirma China kung saan sinimulan na nila ang combat exercise sa West Pacific at South China Sea. Layon ng nito ay para mapalakas ang kahandaan ng kanilang navy combat. Nilinaw nila na walang bansa ang tinatarget nila sa nasabing drill at […] The post China magsasagawa na ng regular na combat exercise sa West Phil. Sea? appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post China magsasagawa na ng regular na combat exercise sa West Phil. Sea? appeared first on - News Portal Philippines .

Tagumpay ng Administrasyong Duterte, birthday wish ni Leni kay Digong

Nagpaabot ng pagbati sa Vice President Leni Robredo sa ika-73 taong kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Robredo, lagi niyang hiling na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang Pangulo. Wish rin ni Robeedo na maging matagumpay ang administrasyong Duterte dahil wala naman aniyang ibang makikinabang sa tagumpay ng gobyerno kundi ang mga Pilipino. Ngayong araw nagdiriwang ng ika-73 kaarawan ang Pangulong Duterte na kanyang piniling ipagdiwang nang simple kasama ang kanyang pamilya sa kanyang tahanan sa Davao City. /   Source link The post Tagumpay ng Administrasyong Duterte, birthday wish ni Leni kay Digong appeared first on - News Portal Philippines .

Five Star, kinapos ng bus sa Pasay terminal

Gambar
Nakakaranas ngayon ng kakapusan sa bus ngayong hapon ang Five Star bus na may biyaheng pa-norte. Sa kanilang terminal sa Pasay, apat na piraso lamang ang ordinary bus habang iisang ang aircon bus na available para sa mga pasahero na pahaba na nang pahaba ang pila. Ayon sa dispatcher ng Five Star, posibleng na-traffic ang kanilang bus na biyaheng Cabanatuan at Dagupan na pabalik sa Maynila habang maaaring nagpahinga muna ang mga driver ng mga biyaheng Bolinao na bumiyahe hanggang kaninang madaling araw. Wala naman daw dapat na ipag-alala ang mga pasahero dahil tuloy tuloy ang kanilang biyahe 24 oras at tatanggap sila ng pasahero kahit na Huwebes at Biyernes Santo. Mamayang gabi hanggang bukas ang inaasahan nilang buhos ng pasahero na uuwi sa probinsya. Samantala sa DLTB bus terminal sa EDSA-Pasay na may biyaheng southern luzon, kakaunti pa ang pasahero pero inaasahan din nilang magdadagsaan ang mga ito mamayang gabi hanggang bukas.     Source link The post Five Star, ...

DTI: ‘Wag singilin ang consumers na nais ng paper billing

Hindi dapat sinisingil ng mga kompanya ang consumers na nais makatanggap ng paper billing statements, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Ipinahayag ng DTI na nakikipag-uganayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para hindi na patawan pa ng dagdag na bayad ang consumers. Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kinikilala ng kagawaran ang pagsulong ng mga kompanya sa electronic billing o paperless billing bilang pagpapahalaga sa kalikasan. Gayunman aniya, kinikilala rin nila ang karapatan ng consumers na tumanggap ng paper billing nang walang bayad. Dagdag ng DTI, dapat tiyakin ng mga bangko, telecomuunications, insurance, at credit card companies ang karapatan sa impormasyon ng consumers, at ang karapatang mamili nang walang dagdag na bayad.   Source link The post DTI: ‘Wag singilin ang consumers na nais ng paper billing appeared first on - News Portal Philippines .

3 bagong TNVS, papasok sa bansa

Tila mapapawi na ang pangamba ng ilan sa napipintong pag-monopolize ng Grab sa transport network vehicle service (TNVS) sa bansa. Inanunsyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpasok ng tatlong bagong ride-sharing platforms. Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, kinukumpleto na ng transport network companies na Lag Go, Owto at Hype ang kanilang accreditation. Tiniyak ni Lizada na magkakaroon ng kumpitensya sa ride-sharing industry. Pinawi rin ng LTFRB ang pagkabahala na magdudulot ng mas mataas na singil ang pagsasama ng Uber at Grab. Ani Lizada, kinakailangan pa ring humingi ng permiso ng Grab sa ahensya bago magtaas ng singil nito. Siniguro ni Lizada na magiging mahigpit ang LTFRB rito. Inanunsyo ng Grab ang pagbili nito sa kakumpitensyang Uber sa Southeast Asia. / Excerpt: Source link The post 3 bagong TNVS, papasok sa bansa appeared first on - News Portal Philippines .

Pag-iisyu ng Special Permit sa events ng ‘LaBoracay’ ipinatitigil ng Malay LGU

Nagpalabas na ng desisyon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na nakasasakop sa Boracay Island na nagpapatigil sa pag-iisyu ng Special Permits sa mga malalaking events sa gaganaping ‘LaBoracay’. Ayon sa Facebook post ng LGU Malay, nagkaroon umano ng serye ng deliberasyon ang kanilang executive body at pinagbotohan ‘unanimously’ ang pagpapahinto sa pagbibigay ng Special Permits sa lahat ng events na gaganapin mula April 27 hanggang May 2, 2018 kung kailan isinasagawa ang sikat na ‘LaBoracay’. Paliwanag ng lokal na pamahalaan ng Malay, ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa rehabilitasyon ng isla dahil ang event na ‘LaBoracay’ umano ay nagdulot ng pagtaas sa bilang ng solid at water waste sa sikat na isla. Dagdag pa ng Malay LGU, kanilang papayagan ang mga maliliit na organized events, basta’t sumusunod ito sa mga itinatakda ng batas at mga ordinansa. Hindi rin umano mag-iisyu ng permit ang lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga malalaking events ngayong Holy Week. Ang ‘LaBo...

VP Robredo, ikinatuwa ang pagsisimula ng recount ng mga balota sa kinakaharap na electoral protest

Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na simulan na sa susunod na linggo ang initial ballot revision para sa electoral protest na kanyang kinakaharap. Ayon kay Robredo, matagal niya nang hinihintay ang pagsisimula ng manual recount ng mga balota. Dagdag pa ng bise-presidente, nais niyang tapusin na ng PET ang kaso upang matigil na ang matagal na isyu na nag-ugat noon pang nakaraang eleksyon. Hindi na nagbigay pa ng ibang pahayag si Robredo dahil sa ipinalabas na gag order ng Korte Suprema na nagbabawal sa kanyang kampo at sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na pag-usapan sa publiko ang merito ng kaso. Sa Lunes, April 2, sisimulan ng PET ang recount na gaganapin sa gymnasium ng Supreme Court-Court of Appeals parking building sa Padre Faura, Maynila. Source link The post VP Robredo, ikinatuwa ang pagsisimula ng recount ng mga balota sa kinakaharap na electoral protest appeared first on - News Portal Philippines .

Task Force kontra mga kolorum na pampublikong sasakyan, inilunsad

Inilunsad ang isang inter-agency task force na magsasagawa ng maigting na kampanya laban sa mga kolorum o mga pampublikong sasakyan na iligal na nag-ooperate. Ang ‘Task Force Kamao’, na pamumunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ay naisip ni Transportation Secretary Arthur Tugade para pag-isahin ang hakbang laban sa mga kolorum na Public Utility Vehicles na ginagawa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa transportasyon. Pero ang bagong task force ay hindi papalitan ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT). Pangungunahan ng I-ACT ang operasyon sa Metro Manila para sa Task Force Kamao at si Philippine National Police-Highway Patrol Group Police Supt. Oliver Tanseco ang magsisilbing tagapagsalita. Kasama sa Task Force ang Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-HPG at Armed Forces of the Philippines (AFP).   Source link The post Task Force kontra mga kolorum na pampublikong sas...

Boracay, ‘business as usual’ pa rin pero pagkaunti mga turista, nararamdaman na

Sa pagsisimula ng holiday season, walang nakitang pagbaba sa bilang ng mga dumarating na turista sa Isla ng Boracay sa kabila ng napipintong pagpapasara rito. Batay sa datos ng Malay municipal tourism office, mas mataas pa nga sa 375,993 kaysa 344,026 ang naitalang dami ng turistang dumating sa isla sa unang dalawang buwan ngayong taon, kung ikukumpara noong 2017. Mula March 1 hanggang 27, umabot naman sa 140,643 ang mga turista sa Boracay. Posibleng malalampasan pa ng bilang na ito ang 167,445 na naitala noong nakaraang taon sa parehong panahon. Inaasahang dadagsa pa ang maraming turista sa tanyag na tourist destination ngayong Semana Santa. googletag.cmd.push(function() { googletag.display(‘div-gpt-ad-101403638493506944-4’); }); Ayon sa source ng Inquirer.net mula sa tourism industry na tumangging siya’y pangalanan, “business as usual” pa rin sa Boracay, ngunit kapansin-pansin ang pagbaba ng mga turista para front liners, gaya ng tour coordinators at driver ng tourist vehicles....

Panukalang BABAR, babawiin na ni Rep. GMA

Babawiin na ni Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo ang inihaing panukalang Basic Act for Bangsamoro Autonomous Region (BABAR). Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, ito ay para bigyang daan ang naunang panukalang batas na Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Dureza, habang nakikipagpulong kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro leaders at mga kinatawan ng Bangsamoro Transition Council (BTC), tumawag sa kanya si Arroyo para iparating ang pagsuporta sa bagong version ng BBL. Ayon kay Dureza, tiniyak naman ng pangulo na gagamitan niya ng executive action sakaling mabibigo ang Kongreso na ipasa ang BBL. Dagdag ni Dureza, naniniwala ang pangulo na ang BBL ang lulutas sa ugat ng rebelyon sa Pilipinas. Kasama sa pagpupulong kagabi sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad, Chairman Ghadzali Jaafar at Mohagher Iqbal mula sa hanay ng BTC. Source link The post Panukalang BABAR, babawiin na ni Rep. GMA appeared first on - Ne...

‘BBL passage, bibilis matapos ang Duterte-MILF leaders meeting’

Inaasahang mapapabilis na ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kagabi sa Davao City. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, muling tiniyak ni Pangulong Duterte sa grupo ni MILF chairman Al Haj Murad na pursigido itong maipasa ang BBL na naaayon sa Comprehensive Agreement of the Bangsamoro (CAB) at pinakamalapit sa bagong draft ng batas na na isinumite ng Bangsamoro Transition Commission (BTC). Ayon kay Sec. Dureza, sa kalagitnaan ng pulong, tinawagan nila si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung saan tiniyak nito ang pagsuporta sa draft BBL ng BTC at kanyang babawiin na ang unang panukalang bersyon sa Kamara. Layunin daw nitong mapabilis ang pagkakaapruba ng bagong bersyon ng panukalang batas. Nangako rin daw si Sen. Juan Miguel Zubiri na aaksyunan ng Senado ang BBL bago mag-adjourn ang Kongreso sa...

CIDG, Espinosa, Lim at iba pa, pinadadalo ng DOJ sa bagong preliminary investigation

Ipinatawag ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa para sa preliminary investigation sa susunod na buwan. Ang summon ay inilabas ng bagong panel of prosecutors ng DOJ na magre-review sa kaso laban sa naturang drug personalities. Kasama rin sa pinadadalo sa April 12 ang complainant na Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ibang respondents. Batay sa subpoena, ang lahat ng panig ay obligadong magsumite ng dagdag na ebidensya bilang suporta sa kani-kanilang posisyon. Layon ng bagong DOJ panel na magsagawa pa ng preliminary probe sa utos na rin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre alinsunod sa otoridad nito na magsagawa ng automatic review ng desisyon sa kasong may kinalaman sa droga. Ang mga miyembro ng bagong panel ay sina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera at Prosecution Attorney Herbet Calvin Abugan. Noong ...

Taxi driver na nangontrata at sobra ang singil sa isang food blogger, sumuko

Lumantad na ang isa pang driver ng isang white taxi na nambiktima sa bumisitang food blogger na si Mikey Chen na pinick-up nito sa airport. Nakilala ito na si Virgilio O. Daguplo, driver ng Eazy First Taxi na may plate number na ACC 9310. Kusang-loob na ipinrisinta ni Daguplo ang kanyang sarili sa tanggapan MIAA Intelligence & Investigation Division Special Task Group (IID/STG) sa Ninay Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan naghihintay ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB). Nabatid na pinatugis ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal ang nasabing driver kay IID/STG chief Roderick Mejia. Sa reklamo ni Chen sa Philippine National Police-Aviation Security Group noong January 27, 2018, una umano siyang siningil at kasama nito ng P2,300 na pamasahe para sa biyahe mula sa NAIA Terminal 3 hanggang Terminal 4 pero bumaba sa P1,500 matapos na makipagtawaran sa driver. Inisyuhan na si Daguplo ng LTFRB ...

Resistance Coalition ng LP sa 2019 polls, welcome sa Palasyo

Walang nakikitang problema o masama ang Malacañang sa balak ng Liberal Party (LP) na pagtatag ng Resistance Coalition na ilalaban sa senatorial line-up ng administrasyon sa 2019 midterm elections. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, katunayan ay welcome sa kanila ang nasabing plano ng LP dahil “free soceity” o malayang lipunan ang bansa. Ayon kay Sec. Panelo, wala na ring bago rito dahil lagi namang pumapalag ang LP sa administrasyon. Kaya malaya daw ang opposition party na sumubok at ulitin lamang ang nauna na nilang mga kabiguan laban sa administrasyon ni Pangulong Duterte. “There is nothing new there; they’ve been resisting this administration. They can always try. They can always fail. They will always try to repeat what they have failed. They are welcome. We welcome. It’s a free society,” ani Sec. Panelo. Source link The post Resistance Coalition ng LP sa 2019 polls, welcome sa Palasyo appeared first on - News Portal Philippines .

Rekomendasyong pagsuspinde sa mga piskal na nagbasura sa drug case vs. Espinosa at Lim, premature – Humarang, Reyes

Premature ang rekomendasyon ng Presidential Anti-corruption Commission (PACC) na pagsuspinde sa mga piskal ng Department of Justice na nagbasura sa drug case nina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pang drug personalities. Ito ang nagkakaisang pahayag nina Assistant State Prosecutor Michael John M. Humarang at Aristotle M. Reyes na ngayon ay Lucena Regional Trial Court Judge. Iginiit nina Humarang at Reyes na hindi pa pinal ang kanilang rekomendasyon dahil ito ay kasalukuyang sumasailalim sa panibagong preliminary investigation ng bagong panel of prosecutor. Dagdag ng dalawa, ang kaso ng respondents tulad ng iba pang drug case na nadi-dismiss sa lebel ng investigating prosecutor ay hindi rin maituturing na pinal dahil dadaan pa ito sa pag-aaral ng Justice secretary. Nanindigan sina Humarang at Reyes na ginawa lang nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na magsagawa ng preliminary investigation at timbangin ang mga ebidensya na ipinrisinta sa kanila. Wala rin aniya silang otoridad n...

Maraming barangay sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque maaapektuhan ng water interruption mula ngayon hanggan Sabado

Samantala mayroong tatlong araw na plant cleaning activity ang Maynilad sa kanilang Putatan Water Treatment Plant na magreresulta sa pagkawala ng suplay ng tubig sa maraming mga barangay sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Cavite mula ngayong araw hanggang sa Sabado. Sa schedule na inilabas ng Maynilad kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar:   Sa BACOOR Molino III Molino IV Molino VII Queens Row Central Queens Row East Queens Row West San Nicolas III   Sa IMUS Anabu I-C to I-F Anabu II-A to II-F Malagasang I-D to I-G Malagasang II-A to II-E, II G Pasong Buaya II   Sa LAS PINAS Almanza Uno Almanza Dos Pilar Talon Uno, Tres, Kuatro at Singko   Sa MUNTINLUPA Alabang Ayala Alabang Bayanan Cupang PoblacioN Putatan Sucat Tunasan   Sa PARANAQUE   May kani-kanilang oras ng pagkawala ng suplay ng tubig sa nabanggit na mga barangay at ang schedule ay makikita sa Facebook page ng Maynilad. Ayon sa Mayni...

5 araw na system maintenance sa MRT-3, simula na ngayong araw; wala munang biyahe hanggang Linggo

Nagsimula na ngayong araw ang tigil-operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) upang bigyang daan ang kanilang system maintenance. Sa holy week schedule na inilabas ng MRT 3, manananatili itong nakasara hanggang April 1, Easter Sunday. Magbabalik ang normal na operasyon ng linya ng tren sa Lunes, April 2. Samantala, simula naman bukas, Huwebes Santo ay tigil-operasyon na rin ang LRT 1 and 2 at Philippine National Railways para na rin sa kanilang system maintenance. Mauunang magbabalik ang normal na operasyon ng PNR sa Easter Sunday, April 1 maliban sa Bicol Commuter Train nito na sa April 2 pa magbabalik. Habang ang LRT 1 at 2 naman ay kasabay na magbabalik operasyon ng MRT 3 sa Lunes, April 2.             Source link The post 5 araw na system maintenance sa MRT-3, simula na ngayong araw; wala munang biyahe hanggang Linggo appeared first on - News Portal Philippines .

Libu-libong katao kinondena ang sunog sa isang shopping mall sa Russia na ikinasawi ng 64 katao

Nagsagawa ng kilos protesta ang libu-libong katao sa Kemorovo, Russia bilang pagkondena sa mga opisyal ng gobyerno kasunod ng sunog sa isang mall na ikinasawi ng 64 katao kung saan 41 ay bata. Personal na bumisita si Russian President Vladimir Putin sa Kemerovo at inihayag ang kanyang pagkadismaya at sinisi ang ‘criminal negligence’ sa nasabing sunog. Maraming tao kabilang ang mga bata pa rin ay iginigiit ng mga tao na kasalukuyan pa ring nawawala. Marami sa mga demonstrador ang kumukwestyon sa mga awtoridad at hindi naniniwala sa bilang ng mga nasawi na inaanunsyo ng gobyerno. Nagsagawa rin ng rally sa labas ng himpilan ng pamahalaang lokal at sinabing dapat mapanagot ang mga opisyal dahil sa pagkukulang na maipatupad ang fire safety. Ilan din ang sumisigaw na magbitiw na sa pwesto si President Putin. Lumuhod naman si Reional Deputy Governor Sergei Tsivilev sa harap ng publiko at humihingi ng patawad na siya namang ikinatuwa ng publiko. Patuloy na iniimbestigahan ang sunog ngu...

Mga magulang ni Joanna Demafelis at Fr. Chito Suganob, kasama sa mga huhugasan ng paa ni Cardinal Tagle sa Huwebes Santo

Kasama sa mga huhugasan ng paa ni Luis Antonio Cardinal Tagle sa Huwebes Santo ang mga magulang ng nasawi na pinay overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis at ang nabihag na pari ng Maute Terror Group na si Fr. Chito Suganob. Ilan lamang sila sa karamihan ay migrante at refugees na nakatakdang hugasan ng paa ngayong taon sa Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception sa Maynila. Ang ‘washing of the feet ay isang seremonya na isinasagawa taun-taon tuwing Huwebes Santo bilang pag-alala sa kababaang loob at paglilingkod ng Panginoong Hesukristo na naghugas din ng mga paa ng kanyang mga alagad. Ito ay kanyang halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod na nais niya ring gawin ng kanyang mga tagasunod. Noong nakaraang taon ang hinugasan ng paa ni Cardinal Tagle ay mga dating gumagamit ng iligal na droga at mga miyembro ng pulisya bilang tanda ng kapayapaan sa kasagsagan ng libu-libong pagkamatay na iniuugnay sa giyera kontra iligal na droga ng pamahalaan. Ayon sa Catholic B...

Mga motorista dapat mag-ingat sa mga pekeng MMDA enforcer

Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga motorista ngayong Holy Week. Ito ay dahil mayroon umanong mga nagpapanggap na mga enforcer na nanghihingi ng lagay. Ayon kay MMDA acting General Manager Jojo Garcia, nakatanggap na sila ng apat na reklamo tungkol sa mga pekeng traffic enforcer. Paliwanag ni Garcia, hindi pwedeng kuhanin at kumpiskahin ng mga lehitimong MMDA traffic enforcer ang lisensya ng mga motorista. Mayroon din aniyang serial number ang mga ticket na iniisyu ng kanilang mga enforcer sa mga traffic violators. Ayon pa kay Garcia, kung naghihinala ang mga motorista sa pagiging lehitimo ng mga traffic enforcer ay maaari nila itong hingan ng mission order na dapat ay laging dala ng mga MMDA enforcer. Magsisilbing patunay ang mission order sa duty ng isang kawani ng MMDA. Samantala, kaugnay ng pagdaraos ng Semana Santa ay magpapakalat ang MMDA ng nasa 2,000 ng traffic enforcer sa buong Metro Manila. Source link The post Mga motorista...

Kahalagahan ng fasting at abstinence ngayong Semana Santa muling pinaalala ng isang Obispo

Sa gitna ng obserbasyon ng Semana Santa, muling ipinaalala ng Simbahang Katolika ang ilang utos gaya ng hindi pagkain ng karne sa darating na Biyernes Santo. Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, sinabi nito na may kahulugan ang fasting at abstinence. “As part of sacrifice that we are encourage to make ay yung abstinence during the Fridays of Lent at ang fasting tuwing Ash Wednesday at Good Friday. Pero ang spirit niyan ay to make these sacrifices, these self-denials in order to realize that we have greater need than these material needs that we can feel,” ani Iñiguez. Pero nilinaw naman ni Bishop Iñiguez na sa tuwing good friday lamang istriktong dapat sundin ng mga Katoliko ang hindi pagkain ng karne. Ayon pa sa Obispo, bagama’t hindi obligasyon ang pagpunta sa simbahan sa Huwebes Santo at Biyernes Santo, hinihimok ang mga Katoliko na gawin ito dahil sa mga espesyal na selebrasyon na ginagawa lamang sa nasabing dalawang banal na araw. “Yun...

Preso patay sa jailbreak sa Digos City Jail

Patay ang isang preso sa Digos District Jail habang muli namang naaresto ang isa pa matapos pumuga. Ayon kay Supt. Deozar Almasa, hepe ng Digos City Police, naganap ang jailbreak kaninang tanghali. Nakilala ang napatay na preso sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na si na si Bakotal Tiwan na nahaharap sa kasong murder. Ayon kay Almasa, ang kasamahan naman ni Tiwan na si Mitoy Digan ay sugatan matapos mabaril sa paa. Si Digan na nahaharap sa kasong homicide ay hawak na ng mga otoridad. Ayon sa BJMP, iniimbestigahan na nila kung paano tumakas ang dalawang preso sa tanghali gayong dapat ay bantay-sarado ang pasilidad. Source link The post Preso patay sa jailbreak sa Digos City Jail appeared first on - News Portal Philippines .

Kasakiman sa Boracay At iba pa, Itigil na!

Ngayong tag-init, talagang pinag-uusapan kung isasara ng 6 months o isang taon ang napabayaan ngunit napakagandang isla ng Boracay. Nitong 2017 ay umabot ng 2,001,974 tourists ang naitala ng Malay Tourism office. Ito’y mas mataas ng 16% noong 2016 kung saan 1,725,483 ang nagtungo ng Boracay na karamihan ay mga Chinese, South Korean, Taiwan, Amerikano, Malaysian, UK, Saudi Arabian, Australia, Russia at Singapore. Ngayong Enero at Pebrero 2018, tumaas ng 9% ang tourist arrivals mula sa 344,026 noong 2017, ito’y pumalo ng 375,993 na karamihan at Chinese, South Koreans at mga taga-Northern Europe. Napakalaking negosyo at pera na talaga ang Boracay na ngayo’y umaabot na sa P56 Billion ang ginagastos doon ng mga turista bawat taon. Bukod dito merong 17,737 direct tourism jobs sa isla na pinakamalaking parte ng buong Western Visayas. Talagang nakakapanghinayang ang pera sa Boracay, pero paano naman ang kinabukasan nito kung ang “coliform levels” ay napakataas? Sa tingin ko , hindi dapa...

Mga colorum na bus diretso sa impounding area ayon sa PNP-HPG

Aabot sa mahigit tatlumpung bus sa Metro Manila ang na-impound ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG). Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao ito ay mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na magkaroon ng crackdown sa mga colorum na bus matapos bisitahin ang mga nasawi sa nahulog na Dimple Bus Star sa Occidental Mindoro. Ayon kay Bulalacao, ilang bus na rin ang naimpound sa iba’t ibang probinsya. Dagdag pa ng opisyal, “Yes, patuloy naman na ginagampanan ng Highway Patrol ang kanilang tungkulin lalung-lalo na doon sa kautusan ng ating Presidente na i-address iyong colorum”. Patuloy aniyang tinutupad ng HPG ang utos ng pangulo na alisin sa lansangan ang mga colorum na bus. Bukod sa HPG, tumutulong rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan laban sa mga colorum vehicles tulad ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Source link The post Mga ...

Sabwatan ng ilang drug lords at human rights group iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Philippine National Police ang ulat na maaring ginagamit na ng mga drug lord ang mga non- government organizations at human rights group para idiskaril ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na hahalungkatin ng kanilang hanay ang posibilidad ng ugnayan ng human rights group at drug lords dahil sa mistulang nagkakaroon ng sistema sa pag-atake sa anti-drug war campaign ng pangulo. Hindi maikakaila ayon kay Carreon na sinasakyan ng mga kalaban ng estado ang ilang mga isyu para atakihin ang mga programa ng gobyerno. Sinabi naman ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na nagsasagawa na rin sila ng validation kaugnay sa naturang ulat. Una dito, sinabi nina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na maaring ginagamit ng mga drug lords ang mga human rights group para sa destabilization efforts laban s...

PNP at PDEA may kundisyon bago makiisa sa imbestigasyon ng ICC

Nilinaw ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makikipagtulungan lamang ang kanilang hanay sa imbestigasyon ng International Criminal Court kapag nagbigay na ng go signal ang Malacañang o ang Department of Interior and Local Government (DILG). Sinabi ni PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao na kinakailangan na sundan ang tamang proseso sa pagbibigay ng mga data sa ICC kaugnay sa anti-drug war campaign ni Pangulong Roddrigo Duterte. Dagdag pa ng opisyal, “On the part of the PNP, we will. Provided, there will be an approval from the higher office – in this case, the DILG or Malacañang. But just the same, a process should also be observed”. Sa panig ni PDEA Spokesman Derrick Carreon, sinabi nito na tatalima lamang ang kanilang hanay sa hiling ng ICC kapag binigyan na sila ng kumpas ng pangulo. Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala nang aasahang tulong ang ICC sa Pilipinas sa preliminary examination nito sa kanyang anti-drug war campaign. P...

MMDA: Number coding ipatutupad bukas pagkatapos ng rush hours

May paglilinaw ang Metro Manila Development Authority sa suspensyon ng number coding bukas, March 28, 2018. Ayon sa inilabas na memorandum ng MMDA na pirmado ni Chairman Danilo Lim, alas-diyes pa ng umaga magiging epektibo ang suspensyon ng number coding, matapos ang rush hour. Paglilinaw ni Lim, ang mga coding bukas ay maaring hulihin hangga’t hindi pa iniaalis ang suspension order. Dagdag pa ni Lim, ang mga public utility vehicles tulad ng mga city bus at provincial buses ay exempted rin sa number coding bukas at sa Lunes, April 2, upang bigyang-daan ang pag-uwi at pagbabalik ng mga pasahero ngayong Holy Week. Dagdag pa ng MMDA, mahigpit pa ring ipatutupad ang yellow lane sa mga pangunahing lansangan kahit pa pansamantalang inalis ang number coding. Source link The post MMDA: Number coding ipatutupad bukas pagkatapos ng rush hours appeared first on - News Portal Philippines .