Pope Francis: Death penalty, hindi makatao at ‘unchristian’

ROME – Binigyang-diin ni Pope Francis na dapat mabasura na ang death penalty bilang parusa sa mga nagkakasala sa batas dahil hindi ito Kristiyano o makataong gawa.

Ginawa ng Santo Papa ang mensahe sa kanyang paghuhugas at paghalik sa paa ng 12 presong kinabibilangan ng dalawang Muslim at Buddhist bilang bahagi ng “washing of the feet ritual” sa paggunita ng Semana Santa.

Kabilang din sa hinugasan ng paa ng Santo Papa ang dalawang Pilipino, taga-Morocco, Moldavia, Colombia at Sierra Leone.

Sinabi ni Pope Francis na anumang parusa na nagtatanggal sa pag-asa ng isang bilanggo para magbagong buhay ay hindi gawaing Kristiyano at hindi makatao.

Ayon kay Pope Francis, dapat mabigyan ng pagkakataon ang taong nagkasala na magsisi at magbagong buhay kaya hindi nararapat ang parusang kamatayan.

Mula nang mahalal bilang Santo Papa noong 2013, ilang beses ng nanawagan si Pope Francis para sa pagbabawal sa buong mundo ng pagpataw ng parusang kamatayan, bagay na umani ng kritisismo partikular mula sa Estados Unidos.

Source link

The post Pope Francis: Death penalty, hindi makatao at ‘unchristian’ appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers