Kasakiman sa Boracay At iba pa, Itigil na!

Ngayong tag-init, talagang pinag-uusapan kung isasara ng 6 months o isang taon ang napabayaan ngunit napakagandang isla ng Boracay.

Nitong 2017 ay umabot ng 2,001,974 tourists ang naitala ng Malay Tourism office.

Ito’y mas mataas ng 16% noong 2016 kung saan 1,725,483 ang nagtungo ng Boracay na karamihan ay mga Chinese, South Korean, Taiwan, Amerikano, Malaysian, UK, Saudi Arabian, Australia, Russia at Singapore.

Ngayong Enero at Pebrero 2018, tumaas ng 9% ang tourist arrivals mula sa 344,026 noong 2017, ito’y pumalo ng 375,993 na karamihan at Chinese, South Koreans at mga taga-Northern Europe.

Napakalaking negosyo at pera na talaga ang Boracay na ngayo’y umaabot na sa P56 Billion ang ginagastos doon ng mga turista bawat taon.

Bukod dito merong 17,737 direct tourism jobs sa isla na pinakamalaking parte ng buong Western Visayas.

Talagang nakakapanghinayang ang pera sa Boracay, pero paano naman ang kinabukasan nito kung ang “coliform levels” ay napakataas?

Sa tingin ko , hindi dapat magmalinis dito ang mga negosyante at residenteng naging sakim, kasama ng “corrupt” na local government officials at ng mga taga-DENR at Department of Tourism.

Matagal na silang nakinabang sa kanya-kanya at ngayon na ang panahon ng pagtutuos.

Ayon sa rekomendasyon ng DENR,DOT at DILG kay Pres. Duterte, isasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan simula sa Abril 26.

At dito, ipapatupad ang master tourism plan ng sikat na arkitektong si Jun Palafox.

Diumano, meron daw 33 rekomendasyon para sa transportasyon, sewerage, infrastructure at waste management problems sa Boracay.

May plano pang magtayo ng monorail o railway sa loob nito.

At dahil, 50,000 lang ang capacity ng isla na binibisita ng mahigit 180,000 turista araw-araw, magkakaroon na rin ng ID system doon.

Pero, ang hinahanap ko dito ay ang kapakanan ng 17,737 tourism workers, paano sila susweldo?

At yung mga negosyo doon, di kaya ay tuluyan nang magsara?

Sa aking palagay, masakit man ang desisyon, ito’y “mapait na medisina” para isalba ang naghihingalong isla.

Masyado nang matagal na maghari ang mga tiwali, mga sakim na lider at ng mga negosyante riyan sa Boracay.

Panahon na ngayon ng paniningil at marahil ito’y maging matinding ehemplo rin sana sa iba pang alahas nating dalampasigan ang Coron at El Nido, Palawan, Siargao, Bantayan island-Cebu, Caramoan-Camarines Sur, Kalanggaman Island-Leyte, Dahican beach, Davao Oriental, Panglao island-Bohol at marami pang iba.

Dapat lang na magkaroon tayo ng makatotohanang ahensya ng gobyerno na istriktong mangangalaga sa mga malilinis nating mga beach resorts upang isalba sa mga ganid na pulitiko o negosyante na walang pakundangan sa perwisyo nito sa kalikasanan.

Kundi kaya ng isang ahensya, ang dapat ay joint task force ng DOT-DENR-DILG-DOLE pati DPWH para gibain ang dapat gibain at itayo ang dapat itayo.

Sa ibang bansa, tulad ng EPA sa America, Environment agency ng EU at maging sa kalapit na Thailand, napakahigpit nila sa pangangalaga sa kalikasan.

Doon sa Phuket, bawal manigarilyo sa beach, may distansya ang mga umbrella beads at bawal ding magdala ng pagkain malapit sa dagat.

Kailan pa tayo matututo? Kapag huli na? Pero, sana ay simulan muna ni Duterte na kasuhan at ipakulong ang mga opisyal ng gobyerno o mga negosyante at korporasyong sumalaula sa Boracay.

Source link

The post Kasakiman sa Boracay At iba pa, Itigil na! appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers