Bilang ng mga debotong bumista sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine, umabot sa 3M
Hindi bababa sa tatlong milyong deboto ang bumisita sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine sa bayan ng Lucban sa Quezon province ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Fr. Joey Faller, healing priest at administrador ng naturang shrine, umabot ng 3.2 million ang mga bumisitang deboto sa kilalang limang ektaryang religious complex sa Barangay Tinamnan mula noong Linggo ng Palaspas hanggang Biyernes Santo.
Mas mataas aniya ng 600,000 na deboto ang bumisita ngayong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.
Ayon naman kay PCInsp. Alejandro Onquit, hepe ng Lucan Municipal Police Station, nahirapan ang mga nakatalagang pulis sa walang tigil na pagdating ng mga deboto lalo na noong Biyernes Santo.
Dagdag pa aniya rito ang mahabang pila ng mga paparating na kotse sa lugar.
Samantala, sinabi ni Fr. Faller na inaasahan pa ang pagdagsa ng mga deboto hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay kung saan posible pang pumalo sa 3.8 million.
The post Bilang ng mga debotong bumista sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine, umabot sa 3M appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar