Maraming barangay sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque maaapektuhan ng water interruption mula ngayon hanggan Sabado
Samantala mayroong tatlong araw na plant cleaning activity ang Maynilad sa kanilang Putatan Water Treatment Plant na magreresulta sa pagkawala ng suplay ng tubig sa maraming mga barangay sa Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas at Cavite mula ngayong araw hanggang sa Sabado.
Sa schedule na inilabas ng Maynilad kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar:
Sa BACOOR
- Molino III
- Molino IV
- Molino VII
- Queens Row Central
- Queens Row East
- Queens Row West
- San Nicolas III
Sa IMUS
- Anabu I-C to I-F
- Anabu II-A to II-F
- Malagasang I-D to I-G
- Malagasang II-A to II-E, II G
- Pasong Buaya II
Sa LAS PINAS
- Almanza Uno
- Almanza Dos
- Pilar
- Talon Uno, Tres, Kuatro at Singko
Sa MUNTINLUPA
- Alabang
- Ayala Alabang
- Bayanan
- Cupang
- PoblacioN
- Putatan
- Sucat
- Tunasan
Sa PARANAQUE
May kani-kanilang oras ng pagkawala ng suplay ng tubig sa nabanggit na mga barangay at ang schedule ay makikita sa Facebook page ng Maynilad.
Ayon sa Maynilad, posibleng magkaroon pa ng delay sa pagbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit ng tubig.
Tiniyak naman ng Maynilad na mayroong water tankers nan aka stand-by para mag-deliver ng tubig sa mga apektadong lugar.
The post Maraming barangay sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque maaapektuhan ng water interruption mula ngayon hanggan Sabado appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar