7 kabilang ang 1 babae, nagpapako sa krus sa Pampanga

7 kabilang ang 1 babae, nagpapako sa krus sa Pampanga

Actual crucifixions in Brgy. San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga (Photo from Wikipedia and Barrera Marquez)

Itinuloy ng pito katao ang pagpapapako sa krus sa Brgy. San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga, nitong nakalipas na Biyernes Santo, sa kabila ng pagkontra ng simbahang Katolika at mahigpit na mga paalala ng Department of Health (DoH).

Ilan sa mga ito ay nagmula pa sa malalayong lugar, ang iba ay regular nang sumasali sa aktibidad, habang isang babae naman ang naglakas-loob na lumahok din sa taunang crucifixion.

Nakilala ang ginang na si Mary Jane Sazon, 39, namamasukan sa isang beauty parlor.

Habang ang taon-taong nagpapapako na si Ruben Enaje, 58, ay wala na raw gaanong sakit na nararamdaman.

Kung dati raw ay hirap siyang makakilos noong mga unang taon nang pagsali sa crucifixion, ngayon ay magaan na sa kaniyang pakiramdam at hindi na rin kumikirot ang sugat sa kamay.

Una rito, sinabi ni barangay secretary Vener Simbulan sa panayam ng Bombo Radyo na may sapat naman silang paghahanda para matiyak na maayos ang kabuuan ng aktibidad.

May ambulansya rin aniya para sa mga hindi inaasahang pangyayari na kailangan ng medical attention.

Sa kabila ng maraming interesado sa taunang gawain, may mga turista ring hindi maitago ang pagkabahala at pagtutol sa ganitong tradisyon.

Ayon sa Amerikanong si Luke Henkel, dapat itigil na ang ganitong gawain dahil sa panganib na maaaring idulot sa mga namamanata.

Sa panig naman ng simbahang Katolika, sinabi ni Archbishop Socrates Villegas na hindi itinuturo ng mga pari ang nasabing aktibidad at kusang loob lang iyon ng mga tao, bilang paraan nila ng penitensya.

Source link

The post 7 kabilang ang 1 babae, nagpapako sa krus sa Pampanga appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers