Duterte sa kanyang Easter message: Maging mapagpakumbaba, tulungan ang kapwa
Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananampalatayang Katoliko na maging mapagpakumbaba at mapagpatawad kasabay ng paggunita sa Easter Sunday.
Sa kanyang mensahe ngayong Pasko ng Pagkabuhay, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagiging mabuti ang paraan para masabing karapat-dapat ang isang tao para sa pagmamahal ng Diyos.
“As we remember Christ’s triumph against death, may we nurture humility and forgiveness in our hearts as these will free us from the shackles of hatred and greed. For it is only by being selfless that we can truly say we are worthy of God’s love,” wika ni Pangulong Duterte.
Kasabay nito, hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na tulungan ang kapwa, lalong-lalo na ang mga nangangailangan.
“Let us make this occasion more meaningful by offering aid to others, especially to those in need. Let us pray for the welfare and safety of our countrymen and for lasting peace in our nation so that we can all work together in harmony towards real change,” ani Duterte.
Tinatayang nasa 80 porsyento ng populasyon ng Pilipinas ang Kristyano kung saan karamihan sa mga ito ay mga Romano Katoliko.
The post Duterte sa kanyang Easter message: Maging mapagpakumbaba, tulungan ang kapwa appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar