Resistance Coalition ng LP sa 2019 polls, welcome sa Palasyo
Walang nakikitang problema o masama ang Malacañang sa balak ng Liberal Party (LP) na pagtatag ng Resistance Coalition na ilalaban sa senatorial line-up ng administrasyon sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, katunayan ay welcome sa kanila ang nasabing plano ng LP dahil “free soceity” o malayang lipunan ang bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, wala na ring bago rito dahil lagi namang pumapalag ang LP sa administrasyon.
Kaya malaya daw ang opposition party na sumubok at ulitin lamang ang nauna na nilang mga kabiguan laban sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
“There is nothing new there; they’ve been resisting this administration. They can always try. They can always fail. They will always try to repeat what they have failed. They are welcome. We welcome. It’s a free society,” ani Sec. Panelo.
The post Resistance Coalition ng LP sa 2019 polls, welcome sa Palasyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar