12 preso kabilang ang 2 Filipino nahugasan ng paa ni Pope Francis

Isinagawa ni Pope Francis ang tradisyonal tuwing Semana Santa na paghuhugas ng paa sa Regina Coeli prison sa Rome.

Binubuo ng 12 piling inmates mula sa Italy, Pilipinas, Morocco, Colombia, Moldova, Sierra Leone at Nigeria.

Ang ilan sa mga nahugasan ng paa ay dalawang Muslim, isang Orthodox Christian at Buddhist.

Sinabi nito sa mga nakakulong na ang bawat isa ay pagkakataon na magbago ng buhay at walang karapatan ang bawat isa na manghusga.

Sa tradisyon kasi isinasagawa ang paghuhugas ng paa tuwing Maundy Thursday na gumugunita sa Last Supper ni Hesus Kristo sa kaniyang mga disipulo.

Mula noong ito ay maupo bilang Santo Papa noong 2013 ay isinasagawa na niya ang paghuhugas ng paa sa labas ng Vatican.

Sa unang taon niya ay isinagawa ito sa youth detention center, noong 2014 naman ang mga paa ng mga may-edad at may kapansanan.

Noong 2015 ay isinagawa nito sa isang kulungan, 2016 sa migrant reception center at noong nakaraang taon ay sa Paliano Jail sa labas ng Roma.

Source link

The post 12 preso kabilang ang 2 Filipino nahugasan ng paa ni Pope Francis appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers