Cardinal Tagle: ‘Makiisa sa paglalakbay ng kapwa, lalo ang mga inabuso, inapi, sinaktan’

Hinikayat ngayon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na tumugon sa paanyaya ni Hesukristo na “gawin niyo ito sa pag-alaala sa akin” sa pamamagitan ng pakikipaglakbay sa ating kapwa lalo ang mga biktima ng pang-aabuso, pagmamalupit, karahasan, pang-aapi, mga biktima ng trafficking na ibinebenta bilang alipin.

Sa kanyang homily o sermon sa Lord’s Supper Evening Mass sa Manila Cathedral, sinabi ni Cardinal Tagle na samahan at akayin natin ang mga kapatid natin sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkamit ng bagong buhay.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang mensahe ngayong Holy Thursday sa atin ni Hesus ay pagsilbi sa ating kapwa at pagmamahal sa kanila ng wagas at bukal sa ating mga puso gaya ng kanyang ginawa.

Matapos ang kanyang homily, isinagawa ni Cardinal Tagle ang “washing of the feet” o paghuhugas ng paa sa 12 piling katao gaya ng ginawa noong ni Hesus sa kanyang 12 disipulo.

Una sa hinugasan at hinalikan pa sa paa ni Cardinal Tagle ang mag-asawang sina Crisanto at Eva Demafelis, mga magulang ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuan ang bangkay sa loob ng freeze sa bansang Kuwait.

Halatang pinipigalan ni Cardinal Tagle ang kanyang luha nang mabanggit nito ang sinapit ni Joanna sa malupit na kamay ng kanyang mga amo sa Kuwait.

Sunod dito ang mag-asawang kapwa miyembro ng Philippine Navy na madalas lisanin ang bawat isa dahil sa kanilang destino, dalawang galing sa ibang bansa kung saan nakaranas ng pagmamalupit, isang pamilyang nakatira sa gilid ng riles ng tren at nailipat sa ibang lugar, dalawang katutubong nawalan ng tirahan dahil sa pagkasira ng kalikasan at naghahanap ngayon ng kapayapaan at si Fr. Chito Suganob, ang paring bihag ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City sa loob ng mahigit 100 araw.

Emosyunal ang 12 hinugasan sa paa ni Cardinal Tagle at ilan dito ay naiyak pa lalo nang halikan ng cardinal ang kanilang mga paa.

Matapos ang “washing of the feet,” nakibahagi na si Fr. Suganob sa selebrasyon ng banal na misa.

“Ang programa po ng Simbahan sa buong daigdig sabi “share the journey.” Makiisa ka sa paglalakbay ng napakaraming tao. Kilalanin sila, hawakan ang kanilang kamay, makipag-usap sa kanila, pakinggan ang kanilang kuwento at baka matuklasan natin, hindi sila iba sa atin, sila ay kapatid, sila ay kamanlalakbay. Sa kanilang paglisan sana hindi sila mag-isa, samahan sila sa paglalakbay,” ani Cardinal Tagle.

Source link

The post Cardinal Tagle: ‘Makiisa sa paglalakbay ng kapwa, lalo ang mga inabuso, inapi, sinaktan’ appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers