Cardinal Tagle: Good Friday, selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhang ipinamalas ni Hesus

Ipinahayag ngayon ni Manila Arbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ipinapamalas sa atin ng Biyernes Santo o Good Friday ang “dark side” o madilim na bahagi ng sangkatauhan.

Sa kanyang repleksyon, sinabi ni Cardinal Tagle na ang “dark side” na ito ng sangkatauhan ay siyang nagtutulak sa atin sa kasamaan, ang pagpatay maging sa mga inosente.

Pero ayon kay Cardinal Tagle, ang Good Friday din ay selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhan na ipinakita ni Hesukristo.

Ipinaubaya umano ni Hesus ang kanyang sarili sa isang marahas na kamatayan para sa katuparan ng dakilang misyong mailigtas ang sangkatauhan.

Pinatunayan umano ni Hesus ang kakayahan ng puso ng tao na magmahal kahit kinamumuhian, manatiling tapat kahit pa trinaydor o pinagtaksilan at umasa sa gitna ng kawalan ng pag-asa.

Ngayong Good Friday din umano, ang kabutihan ay nagtagumpay laban sa kasamaan.

Source link

The post Cardinal Tagle: Good Friday, selebrasyon ng kadakilaan ng sangkatauhang ipinamalas ni Hesus appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers